in ,

John Lloyd Cruz, Maaliwalas Ang Mukha Sa Mga Bagong Upload Na Litrato Na May Caption Na “Choose to be happy”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Si John Lloyd Cruz ay isa sa mga pinakamagagaling at hinahangaang artista ngayon sa showbiz. Kaya naman ang kanyang biglang on-leave sa showbiz ay sadyang ikinagulat ng marami niyang tagahanga.

Mas lalo pang naging matanong ang tao tungkol sa naging desisyon ni John Lloyd na masangkot sa kanya ang aktres na si Ellen Adarna. Hanggang sa napabalitang sila ay nagkaroon di-umano ng relasyon at nagkaroon ng anak. Halos naging sabay lang ang paglaylo nila sa showbiz kaya mas lalong napatunayan na nagkaroon nga sila ng relasyon.

Ngunit kamakailan lamang ay bigla namang napabalita ang relasyong Ellen Adarna at Derek Ramsey na nagpatunay sa hiwalayang John Lloyd at Ellen. Naging bukas na sa publiko sina Ellen at Derek tungkol sa kanilang relasyon ngayon. Wala namang agad na naging reaksiyon si John Lloyd tungkol dito marahil siguro napag-usapan na nila ang mga bagay na iyon. Nagkaroon na siguro sila ng maayos na settlement lalong lalo na para sa kanilang anak na si Elias.

Sa isang post ni John Lloyd sa kanyang facebook page, makikita ang kanyang maliwalas na mukha kung saan mukhang masaya siya sa buhay niya ngayon. Ang kanyang post na ito na may caption na, “Choose to be happy”.

Mapapansin sa mga ngiti ni John Lloyd na mukhang nakapag-move on na siya at looking forward na sa kanyang panibagong panimula ng kanyang career. Kaya ang mga supporter’s ni John Lloyd ay todo pa rin ang suporta sa actor sa kabila ng naging laylo nito sa showbiz.


Umani ng magagandang komento ang naging post na ito ni John Lloyd, katulad na lamang ng mga ito:
“Looks good. That’s shows a person is happy and contented with life that God has offered.”
“You deserve to be happy because you’re a good man.”


Focus na ngayon si John Lloyd sa kanyang comeback movie na “Servando Magdamag”. Sa kabila ng mga isyu na kinasangkutan niya noon, ngayon ay handa na uli siya harapin ang kanyang karera sa mundong ng pelikula.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

TINGNAN: Ang Isang Amang Karga-Karga Ang Kanyang Anak Habang Naglalako Ito Ng Ballpen Sa Kalye, Bumuhos Ang Tulong At Ginamit Ng Maayos Ang Perang Natanggap Kaya Maraming Negosyong Naipundar

Silipin Ang Napakacute Na Barbie Set-up Ng 2nd Birthday Ng Anak Ni Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap