in ,

Anak Ni Mayor Isko Moreno Mapapanood Na Sa Isang Palabas Ng GMA Sa Isang Kondisyon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa pagpasok ni Joaquin sa pag arte isang kapalit o kondisyon ang bilin niya sa kanyang ama na si Mayor Isko Moreno.

Joaquin’s IG

Kasama si Joaquin sa cast ng isang palabas sa GMA 7 na ” My First Yaya” at nag kapanayamin ito sinabi niya na may isang paalala sakanyan ang kanyang ama sa pag sunod sa yapak nito bilang isang artista.

Aniya ” Sa pagpasok ko sa mundo ng showbiz wag ko lang kalimutan ang studies ko at pag aaral kasi sa papa ko yun lang yung pinaka importanteng bagay.”

Dahil sa naranasan ni Mayor Isko Moreno ang kakapusan at hirap sa kakayahang mag aral noon kaya gusto niyang makapagtapos ng pag aaral ang kanyang anak na si Joaquin.

Isa pa sa mga sinabi niya “He was always working and he always wanted a better education, and now he has the ability to give that to me and parang gusto ko mag showbiz, nagkaka conflict. But as long as i do both properly okay lang sakanya.

Joaquin’s IG

Sa kasalukuyan ay nasa 2nd year college na ang binata sa kursong Business Entrepreneurship.

Pinagkakatiwalaan ng pamilya ni Joaquin ang GMA 7 bilang tahanan sa showbiz. Kahit medyo mahirap ang pagiging artista comportable naman ang mga ito dahil sa kinabibilangang niyang Network.

“Hindi naman kasi sa GMA it’s not really toxic there, it’s really like family there, they treat you very well as artist.” Wika ni Joaquin.

Wala sa isip ni Joaquin na papasukin niya ang mundo ng showbiz. Sabi niya ” My dad didn’t tell me to do it or wala namang nagforce sakin. I just wanted to, cause i know my attitude eh pabibo nga po talaga ako and i saw na this is a good outlet.” Gusto niya rin i-try maging isang direktor.

Joaquin’s IG

Pero hindi pa ito ganun kasiguro dahil ayon sa kanya masyado pa siyang bata at nasa stage palang siya para pag-isipan kung anong tatahakin niyang landas.

Ang alam niya lang at sure siya na gusto niyang magtayo ng sariling negosyo. Gusto niyang mag trabaho at magkaroon ng negosyo.

Kaya Business Entrepreneurship ang kursong kanyang kinuha dahil gusto niyang mag tayo ng Business.

Isa sa limang anak nina Mayor Isko Moreno at Diana Lynn Ditan si Joaquin at ang kanyang mga kapatid ay sina Vincent Patrick, Frances Diane, Franco Dylan at si Drake Marcus.

Joaquin’s IG

Sa palabas na “My First Yaya” ang anak nina Carmina at Zoren Legaspi na si Cassy ang makakatambal ni Joaquin.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Ang Napakacute Na Barbie Set-up Ng 2nd Birthday Ng Anak Ni Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap

Tingnan Ang Masayang Date Nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos Sa Napakasayang Lugar