in ,

Niregaluhan Ang Isang Security Guard Ng Bagong Bike Matapos Itong Gumamit Ng Pambatang Bike Upang Makapasok Sa Trabaho

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa hirap ng buhay ngayon na dala ng pandemiya marami ang mga taong nagsisikap sa pagtatrabaho upang mabuhay lamang. Lahat ng tao ngayon ay nagta-tiyagang maghanapbuhay upang mairaos lamang ang pang-araw-araw na pangangailangan. Kagaya na lamang ng kwento ng isang security guard na nagpupursigi sa pagha-hanapbuhay para sa kanyang pamilya.


Ito ay si Victor de Guzman at siya ay taga Sta Maria Bulacan. Siya ay nagtatrabaho sa Norzagaray bilang isang security guard. Sa araw-araw niyang pagpasok sa kanyang trabaho ang kanyang tanging sasakyan lamang ay ang napakaliit niyang bisikleta. Ang kanyang bisikleta ay isang pambatang bike lamang, kung saan talagang napakaliit nito para sa kanya.

Philippine Star


Ibinahagi ng Sta. Maria Bulacan Police Station ang larawan na ito ni Victor kung saan habang papunta siya sa kanyang trabaho ay daanan niya ang quarantine checkpoint ng Sta. Maria Bulacan Police sa Brgy. Pulong Buhangin. Napansin ng Police Staff na si Sergeant Melvin Rogero si Victor na nakikibaka sa pagpadyak niya ng kanyang maliit na bisikleta kung saan tanging tsinelas lamang ang ginagamit niya bilang preno. Nagpaalam din niya na halos 10 kilometro ang binabyahe nito makarating lamang sa kanyang pinagtatrabahuan.


Kaya naman, dahil sa kasipagan at dedikasyon na ipinakita ni Victor ay napamangha niya ang mga kapulishan ng Sta. Maria Bulacan Police Station. Bilang pagpupunyagi sa kanyang pagpupursige sa ay niregaluhan siya ng isang bagong bike ni Pssg Melvin Rogero upang makabiyahe siya ng maayos at ligtas na makakarating sa kanyang pinagtatrabahuan. Labis ang naging kagalakan ni Victor dahil hindi na siya mahihirapan pa sa pagpadyak ng kanyang bisikleta.

Philippine Star


Ang ipinakitang dedikasyon ni Victor sa kanyang trabaho ay nagpapatunay lamang kung gaano niya pinahahalagahan ito. Isang inspirasyon ang kanyang kwento dahil nagta-tiyaga siya sa pambata niyang bisekleta upang makarating lamang sa kanyang trabaho. Kung kaya’t ang mga kapulisan ng Sta. Maria Police Station ay saludong saludo sa kanyang kasipagan upang makatulong sa kanyang pamilya.


Ang mga netizens ay may mga positibong komento dahil humanga sila sa ipinakitang dedikasyon ni Victor sa kanyang trabaho. Nawa’y maging inspirasyon pa sa maraming tao ang kwentong ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin at Kilalanin Dito Ang Napakagandang Anak ni Ina Raymundo Na Si Erika Rae Na Hinahangaan Ng Maraming Netizens

Isang Mangingisda Instant Millionaire Matapos Makakita Ng Kakaibang Bato Na Nagkakahalaga Ng $3.3 Million Habang Naglalakad Sa Tabing-dagat