in ,

OMGOMG

Isang Mangingisda Instant Millionaire Matapos Makakita Ng Kakaibang Bato Na Nagkakahalaga Ng $3.3 Million Habang Naglalakad Sa Tabing-dagat

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Parang nanalo sa lotto ang isang mangingisda na Thai matapos makakita ng bato na tinatawag na ‘Whale Vomit’ sa tabing dagat. Si Narit Suwansang, isang mangingisda na naglalakad lamang sa Laem Thalumphuk Beach nang namataan niya ang isang bato.

Photo: Google

Inuwi naman ng 60 taong gulang na si Narit ang bato sa kanilang bahay. Mukhang mineral umano ang bato at hindi isang ordinaryong bato lamang. Matapos magsakliksik sa internet ay nalaman nito na ang bato pala na nakita niya ay tinatawag na ambergris. Ang ambergris o ‘whale vomit’ ay isang mamahaling mineral na nakukuha lamang sa mga balyena.

Photo: Google

Ayon sa Coconuts Bangkok, ay mabigat umano ang bato kaya nagpatulong si Narit na ikarga ang bato sa kanyang sasakyan. Tinatayang 100kg ang bigat ng baton a nakita niya at ayon sa mga eksperto, ito ay magkakahalaga ng $3.3 million na dolyar. Sa isang iglap ay isang milyonaryo na si Narit.

Ang ambergris ay pag tinapat sa apoy ay makikita na hindi magaspang ang bago kundi parang wax ang anyo nito. Ginagamit ito sa perfume upang lalong tumagal ang amoy nito sa ating katawan. Mahal ang presyo ng ambergris dahil napakahirap nitong hanapin. Ito ay nagmumula sa mga balyena at libong taon ang kailangan upang mabuo ito sa loob ng kanilang tyan.

Marami namang mga siyentipiko ang gusto kilatisin ang baton a nakita ni Narit. Mayroon din umanong buyer na ito sa Phuket at nagbabalak bilhin ang ambergris sa halagang B960,000 kada kilogram na bigat ng bato. Ito umano ay depende pa sa kalidad ng nakita nitong ambergris.

Marami na ang nakakita ng ambergris sa Thailand. Noong 2019, isang mangingisda na nagngangalang Jumrus Thiachot, ang nakahanap ng whale vomit na may bigat na 6.5kg at naibenta sa halagang $470,000.

Photo: Google
Photo: Google

Sa parehong taon, isang scavenger naman na si Surachet Chanchu ang nakahanap ng 16kg na whale vomit na nagkakahalagang B20 million.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Niregaluhan Ang Isang Security Guard Ng Bagong Bike Matapos Itong Gumamit Ng Pambatang Bike Upang Makapasok Sa Trabaho

Kilalanin Ang Apo At Sinasabing Isa Sa Tagapagmana Ng Napakaraming Ari-arian Ni Willie Revillame