in ,

OMGOMG CuteCute

Isang Teacher Viral Dahil Napapagkamalang Estudyante Dahil Sa Kanyang Napakabatang Mukha

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang teacher na laging napapagkamalang estudyante dahil sa kanyang baby face look.


Ito ang teacher na si Ian Francis Manga, siya ay kasalukuyang nagtuturo ngayon sa Kindergarten at Grade 2 sa Paaralan ng San Jose Del Monte Bulacan. Hindi talaga maiwasan na mapagkamalang estudyante si Teacher Ian dahil sa kanyang baby face na mukha na animo’y siya ay isang high school student lamang. Kaya naman ang mga taong hindi nakakakilala sa kanya ay napapagkamalang estudyante lamang siya. Walang sinuman ang makaka-akala na siya ay isang guro dahil na rin sa kanyang baby face look.


Ayon pa kay Ian sa kanyang pahayag sa panayam niya sa Stand for Truth sinabi niya na, parang kalaro lang siya ng kanyang mga estudyante at siya ang pinaka kuya. Dahil nga elementarya pa lang ang kanyang mga estudyante isa rin ito sa mga dahilan na mas lalong nagpa-bata sa kanya.

Dagdag pa ni Ian, ay kanyang ibinahagi na marahil daw sa madalas niyang pagkakasakit noong bata pa siya ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkaroon siya ng delay development ng kanyang pisikal na pangangatawan.

Stand for Truth

Kahit noong high school siya hindi daw niya naranasan ang pagkakaroon ng pagbabago sa kanyang katawan tulad ng nangyayari sa isang nagbibinata. Kagaya na lamang ng pagkakaroon ng buhok sa kili-kili at kahit ang pagkakaroon ng bigote ay hindi daw niya naranasan. Ang pisikal na pangangatawan ni Ian ay hindi nag-aakma sa kanyang edad posibleng nagkaroon ng depekto sa kanyang genes kaya hindi ito na develop ng maayos.
Ngunit hindi naman siya nakaranas na magpakonsulta sa isang espesyalista dahil sa kanyang kaanyuan. Dahil awa naman daw ng Diyos ay hindi siya nakararanas na kutyain dahil sa kanyang itsura. Hindi naman daw niya naranasang ma-bully ng kanyang mga kaklase noon dahil na rin sa pagiging friendly niya.

Ang mga taong hindi niya mga kakilala ay bibihira lang na tinatawag siyang buliliit ngunit hindi naman niya iyon pinapansin.

Stand for Truth

Kung kaya’t nang makapagtapos si Ian ng kolehiyo agad itong nag-take ng Licensure Examination for Teacher at agad naman niya itong naipasa. Dahil nga isa na rin siyang lisensyadong guro agad naman siyang nagturo. Masaya namang nagtuturo si Ian ngayon, dahil mababait naman ang kanyang mga estudyante at marunong silang sumunod sa kanilang guro.

Hindi lang naman si Teacher Ian ang nagkakaroon ng ganitong kakaibahan, ngunit sa kabila ng kanyang pagiging iba ay nagagawa niya pa ring makipag-sabayan sa iba.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dimples Romana, Super Happy Dahil Under Construction Na Ang Kanyang Restaurant sa Singapore

Silipin at Kilalanin Dito Ang Napakagandang Anak ni Ina Raymundo Na Si Erika Rae Na Hinahangaan Ng Maraming Netizens