in ,

Hayden Kho, Nagpaulan Ng Sorpresa Para Sa Asawang si Vicki Belo Nitong Valentine’s Day, Kabilang Ang 1Million/Night Hotel Room

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami sa mga kilalang personalidad sa bansa ay nagbahagi ng mga kwento kung paano nila pinagdiriwang ang Valentine’s Day. Dahil ito ay ang holiday kung saan ay maipapakita mo kung gaano mo kamahal ang iyong partner, ay marami sa atin ang ibinubuhos ang lahat para gawing espesyal ang araw.

Hayden’s IG

Isa na rito si Hayden Kho na talaga namang nag-effort mapasaya lamang ang minamahal nitong asawa na si Vicki Belo.

Parehong kilalang personalidad ang dalawa pagdating sa pagnenegosyo at sa medical services, kaya naman marami sa mga kaibigan nito ay mga kilala rin. Gayumpaman, ay napabilib ni Hayden ang mga ito, ang netizens at pati na rin ang asawa nito sa dami ng grand gestures nito nang nakaraang Valentine’s.

Youtube

Ayon sa balita ay binigyan nya ng mga regalo – tulad ng mamahaling relo at damit – si Vicki, na siya namang tinanggap ng may halong saya at kilig.

Youtube
Youtube

Inamin ni Vicki na akala niya ay doon na magtatapos ang sorpresa ni Hayden, ngunit laking gulat na lamang nito nang nagbook pala si Hayden ng 1,400-square meter villa na nagkakahalaga ng P1,000,000.00 ang isang gabi. Tinatayang mas malaki pa ang inupahan nilang hotel villa kaysa sa sarili nilang bahay.

Ang naturang hotel villa ay sa Okada Manila, at inupload ni Dra. Vicki Belo ang video ng sorpresa ni Hayden sa vlog nito. Marami naman ang nagulat at humanga sa effort ni Hayden. May mga netizen pa na nagpahayag na napakaswerte umano ng doktora sa asawa nito. Tunay na nakakakilig ang sorpreso ni Hayden sa asawa nito.

Noong 2017 nagpakasal sina Hayden Kho at Vicki Belo sa Paris, France. Kilalang dermatologist si Vicki sa bansa at ang mga kliyente nito ay mga celebrities rin.

Si Hayden naman ay isang doktor at celebrity sa bansa. Biniyayaan ang dalawa ng anak na babae na si Scarlet Snow Belo.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Rent-No-More: Mag-asawang Nirenovate Ang Dating Giba-Giba Na Bahay, Modern House Na Ngayon!

Kilalanin Ang Gwapo At Nag-iisang Anak Na Lalaki Ni Ina Raymundo Na Si Jakob Poturnak