in ,

OMGOMG CuteCute LoveLove

Kilalanin Ang Babaeng May Pinakamaliit Na Natural Na Baywang Sa Buong Mundo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagkakaroon ng isang maliit na baywang ay maaaring ang pangarap na hugis na isang babae. Ang pagkakaroon ng isang partikular na hugis ng katawan ay isang personal na kagustuhan.

Gayunpaman, ang babaeng ito mula sa Myanmar ay may likas na maliit na baywang at siya kinilala sa buong mundo dahil sa siya lang naman ang babaeng may pinakamaliit baywang.

Su Niang’s IG

Maraming mga kababaihan ang nanalo sa talaan ng mga may pinakamaliit na baywang sa buong mundo ngunit iyon ay gawa ng mga plastic surgeon. Ngunit naiiba ang babaeng ito mula sa Myanmar na nagngangalang Su Naing. Siya ay 23 taong gulang, siya ay ipinanganak ng may maliit na baywang. Ang kanyang baywang ay may sukat lamang na 13.7 pulgada o humigit-kumulang na 35 sentimetro na hindi dumaan na kahit anumang operasyon.

Su Niang’s IG

Ngunit sadyang may mga tao talagang hindi maiiwasan ang magbigay ng negatibong komento. Kaya pinatunayan ni Su Niang na ito ay natural na niyang pangangatawan at maaaring minana niya ito mula pa sa kanyang mga ninuno.

Su Niang’s IG

Ayon pa kay Su Niang, kumakain siya ng mga masustansyang pagkain at laging nag-eehersisyo upang mapanatili ang hugis baywang at manatiling malusog ang kanyang pangangatawan. Itinalaga si Su Niang sa Guinness World Record na may pinakamaliit na baywang sa buong mundo na kailanman ay hindi dumaan sa operasyon.

Su Niang’s IG

Ang taong kasalukuyang nagtataglay ng rekord sa mundo para sa pinakamaliit na baywang ay isang babaeng Ingles na nagngangalang Ethel Granger, na may 13 pulgadang baywang lamang. Maaaring hindi matalo ni Su Niang ang matandang kampeon, ngunit mahalagang tandaan na ang baywang ni Ethel ay resulta ng pagsusuot ng corset 24/7.

Su Niang’s IG

Ang bawat isa ay maaaring maging maganda sa kanilang sariling paraan anuman ang mga pamantayan sa kagandahan, at ang pagkakaroon ng isang “pangarap na katawan” ay hindi dapat ikompromiso ang iyong pisikal na kalusugan o pangkaisipan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Korina Sanchez, Mapapansing Physically Fit Sa Mga Bagong Upload Na Litrato

Rent-No-More: Mag-asawang Nirenovate Ang Dating Giba-Giba Na Bahay, Modern House Na Ngayon!