in ,

Rent-No-More: Mag-asawang Nirenovate Ang Dating Giba-Giba Na Bahay, Modern House Na Ngayon!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sadyang hindi madali magkaroon ng sariling bahay lalo na’t kung may mga anak. Kaya naman ay nakitira ang mag-asawang si Aaron Nalzaro, 34, at ang asawa nitong si Dancyl Lumbab Nalzaro, 32, sa apartment ng kanilang tiyahin noon nagsisimula pa lamang ang dalawa.

Dancyl’s FB

Sa kasamaang palad, ay hindi maganda ang ventilation sa nasabing apartment na siyang naging sanhi ng pagkakaroon ng panganay nilang anak ng asthma. Napilitan ang mag-asawa na magrent ng matitirahan na nagkakahalaga nang P25,000 kada buwan.

Dancyl’s FB

Nang matapos ng kontrata nila sa kanilang townhouse ay niregaluhan sila ng isang apartment na luma ng ama ni Dancyl. Ang nasabing apartment ay malapit lang sa bahay ng mga magulang ni Dancyl kaya naman ay napagpasyahan ng mag-asawa na irenovate ito at dito na tumira.

Dancyl’s FB

Iniregalo ng ama ni Dancyl ang perang kakailanganin sa pagrerenovate ng bahay. Dahil rito ay pinagplanuhan nila ng mabuti ang pagpapaayos sa bahay. Ang naging inspirasyon nila ay ang laruan ng kanilang anak na gawa sa ‘paleta’. Nais ni Dancyl, “the walls to be white, the furniture wood, just like Jace’s playhouse” at lalagyan umano ng mga halaman.

Dancyl’s FB

Nasunod naman ang plano ni Dancyl at isang napakagandang bahay ang nabuo. Puti ang dingding ng kanilang living room at dining room, na siya namang nagpalaki pa ng espasyo sa bahay.

Dancyl’s FB

Ang mga kwarto naman ng mga bata ay customized na tiyuhin ni Dancyl ang gumawa gamit ang mga recycled na kahoy. May sariling cabinet ang mga bata na pink at blue at ternong-terno sa mga kama nito. Mababa lamang ang kama ng mga bata upang maiwasan masaktan ang mga ito sakaling mahulog habang tulog.

Dancyl’s FB
Dancyl’s FB
Dancyl’s FB

Ang kwarto ng mag-asawa ay minimal din ang disenyo at may LED fairy lights para mag mukhang inviting. Inabot naman ng P350,000 ang gastos sa pagpaparenovate ng bahay kasama na ang pagpapayos sa mga sirang tubo at bubong.

Masayang-masaya ang pamilya sa magandang kinalabasan ng kanilang renovation.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Babaeng May Pinakamaliit Na Natural Na Baywang Sa Buong Mundo

Hayden Kho, Nagpaulan Ng Sorpresa Para Sa Asawang si Vicki Belo Nitong Valentine’s Day, Kabilang Ang 1Million/Night Hotel Room