in ,

Vendor Ng Mani, Madiskarteng Nagsuot Ng Long Sleeved Polo At Nagdala Ng Briefcase, Pumatok Sa Customers!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Diskarte ang kailangan sa buhay upang umasenso at maabot ang mga pangarap. Basta’t marangal ang trabaho ay tiyak na aangat. Iyan ang kwento ni Mang Bernie Mirafuentes.

Tatlongpung taon nang nagtitinda ng mani sa Iligan City si Mang Bernie, o kilala bilang “Attorney Mani”. Ang iba naman ay tinatawag siyang, “Pastor Mani” o kaya naman ay “Teacher Mani”. Ang lahat ng bansag sa kaniya ay dahil sa kanyang kasuotan habang naglalako ito. Dahil wala itong stall o maliit na tindahan na pagbebentahan ng mani ay nililibot nito ang Iligan City ay nilalako ang panindang mani.

Facebook

Nakasuot ito ng malinis na long sleeved polo, slacks, naka leather shoes, at kumpleto pa with accessories na kwintas. Hawak-hawak naman ni Mang Bernie ang isang itim na briefcase. Sa malayo ay aakalain na abogado, o kaya naman ay pastor ni Mang Bernie, ngunit pagkabukas ng briefcase nito, ang laman ay isang malaking Tupperware ng panindang mani.

Patok na patok ang diskarte ni Mang Bernie sa mga taga Iligan City, at lalong lalo na sa mga estudyante roon. Pagkatapos ng klase ay lumalapit sa paaralan si Mang Bernie para magbenta ng mani. Ngunit hindi lang sa porma ito dumiskarte, dahil ang mani na binebenta ni mang Bernie ay pwedeng may ketchup o kaya naman mani na may chili flakes.

Facebook

Maliban sa paborito siya ng mga estudyante ay paborito rin siya ng mga staff sa paaralan dahil mabait si Mang Bernie. Minsan ay nagbibigay ito ng libreng mani sa mga estudyanteng walang baon.

Nagviral naman ang litrato ni Mang Bernie matapos ito makuhanan na nagbebenta ng mani sa isang resort. Nakaporma pa rin ito katulad ng nakagawian nitong kasuotan, ang mala abogadong porma. Mula sa pagbebenta nito ng mani ay napagtapos niya ang dalawa niyang anak ng kolehiyo. Kaya naman ay tunay na effective ang diskarte ni Mang Bernie sa mga taga Iligan City.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

7 Female Finalists ng StarStruck Batch 1, Mga Mommy Na at Kinompleto Ito Ni Sheena Halili Ng Manganak Nitong December 2020

Kilalanin Ang Mga Magagandang Kapatid Ni Kylie Padilla Na Sina Queenie Padilla At Zherileen Padilla