in ,

Kilalanin Ang Mga Magagandang Kapatid Ni Kylie Padilla Na Sina Queenie Padilla At Zherileen Padilla

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kung babalikan, isang masaya at nakakatouch na pangyayari ito para kay Kylie, ang makasal sa lalaking mahal niya at sa ama ng kanyang isang taong gulang na anak na si Alas Joaquin.

At isa ring dream come true para sa kanya ang presense ng kanyang ama at mga kapatid sa mahalagang araw ng buhay niya.

Habang naglalakad si Kylie sa aisle hawak niya ang braso ng kanyang ama na si Robin Padilla at Liezl Sicangco. Ang kanyang nakakatandang kapatid naman na si Queenie Padilla ang Matron of Honor, samantalang ang kanyang maid of honor ay ang kanyang nakababatang kapatid na si Zherileen Padilla at andoon rin ang kanyang nag-iisang lalaki sa magkakapatid na si Ali Padilla.

Si Mariel Padilla ang asawa ng ama ni Kylie na siyang umalalay nung mga panahong nagbubuntis si Kylie at nung mga unang buwan niya bilang mommy. Parehas na dumalo sina Mariel at ang kanyang anak na kapatid ni Kylie na si Maria Isabella Padilla na isa sa mga flower girl sa kasal nila.

Tanging si Camille Garcia lang ang wala sa mag kakapatid sa kasal ni Kylie . Si Camille ay half-sister ni Kylie, anak ni Robin kay Leah Orosa, siya’y naka destino sa U.S habang sina Liezl, Zherileen at Ali ay naninirahan sa Australia. Si Quenie kasama ang kanyang asawa at anak ay nasa Pakistan nakatira.

Dahil sa kasal na iyon, nagkaroon ng pagkakataon na magkasama at makapagbonding ang mag anak. Nakapag family vacations sila sa loob at labas ng Pilipinas, isa sa mga napuntahan nila ang bansang Spain at Japan.

Ito ang mga ganap sa buhay ng Padilla siblings.

Queenie Padilla

Photo: Google

Si Queenie ay nanganak weeks lang ang pagitan ng manganak rin si Kylie. Ang babaeng anak ni Quenie ay nagngangalang Mustahsina Mikailah at ang ama ng kanyang anak ay si Usama Mir. Ang kanyang asawa na si Usama Mir ay isang youtube influencer. Sila’y may online selling business na statement shirts, hoodies at ibat ibang klaseng hijab.

Zherileen Padilla

Photo: Google

Zen Zen ang tawag sakanya ng kanyang pamilya, lumipad papuntang Pilipinas si Zenzen bago ang kasal ng kanyang ate Kylie. Si Quenie ay may magandang mukha tulad ng kanyang ate na si Kylie. Lumabas ang picture niya sa social media ng kanyang amang si Robin, hindi gaanong maaninag ang kanyang mukha.

Ngunit noong araw ng kasal ni Kylie kinuhaan niya ang kanyang sarili ng litrato at pinost ito in public at may caption na ” The only time that I’ll take selfie.”

Mapapansin sa social media ang kanyang mga post about gaming at travels. Makikita din dito na parang nag-aaral din ito ng Film Course sa isang unibersidad sa Australia.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Vendor Ng Mani, Madiskarteng Nagsuot Ng Long Sleeved Polo At Nagdala Ng Briefcase, Pumatok Sa Customers!

Derek Inaming May Isang Buwang Relasyon Na Sila Ni Ellen Adarna