in ,

LoveLove AngryAngry

7 Female Finalists ng StarStruck Batch 1, Mga Mommy Na at Kinompleto Ito Ni Sheena Halili Ng Manganak Nitong December 2020

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Noong October 27, taong 2003, nabigyan ng spotlight ang 7 na babae at 7 ding lalaki sa pag ere ng programang StarStruck na inilunsad ng GMA Network. Sa libo libong kabataang nag audition ma swerte ang 14 na kabataang ito sapagkat sila ang napili bilang finalist.

Sa katapos ng 17 taon, may kani-kanilang anak na ang 7 babaeng napasama sa Finalist ng StarStruck
Kinompleto ito ng ipanganak ni Sheena Halili ang kanilang first baby girl ng asawang si Atty.Jeron Manzanero nitong December 12, 2020 lamang at pinangalanan nila itong Martina Candice. Ang mga kasabayang aktres ni Sheena sa GMA 7 reality talent show na StarStruck ay nag paabot ng pag bati sa pagsilang sa panganay niyang anak.

Sheen’s IG

Jennelyn Mercado

Jennelyn’s IG

Ang kauna-unahang nagwagi sa StarStruck First season at tinanghal na Ultimate Female Survivor ay si JENNELYN MERCADO. Isang loving mom siya sa kanyang 12 years old unico hijo na si Alex Jazz sa kanyang ex boyfriend at aktor na si Patrick Garcia. Mahirap maging single parent si Jennelyn sa child with special needs, inamin niya ito sa panayam niya sa Smartparentim.com.ph noong 2008. Kaya naging bukas siya pagbibigay inspirasyon sa mga katulad niyang ina. Si Jennelyn ay isa na ngayong successful actress, singer at TV host.

Yasmien Kurdi

Yasmien’s IG

Ang hinirang na first runner up at may titulong First Princess ay si YASMIEN KURDI, ang huli nitong pinagbidahan sa GMA 7 ay ang seryeng Beautiful Justice. Nanatili parin naman siyang aktibo sa larangan ng showbiz. Sa ngayon ang only child na si Ayesha Zara at asawang si Rey Soldevilla na isang piloto ang priority ni Jasmien .

Mapapanuod sina Yasmien at ang araw araw nitong buhay kasama ang kanyang anak sa kanilang vlog. Masasaksihan rin dito ang pagiging hands on mom niya kay Ayesha Zara. Mula sa paggising niya sa kanyang anak hanggang sa pag-ayos niya ng gamit para sa homeschooling ay mapapanuod sa ilang video sa kanilang vlog. Sinusulit naman ni Yasmien ang oras habang abala ang anak sa virtual classroom, abala rin siya sa kanyang online course na pag-aaral ng French Language.

Nadine Samonte

Nadine’s IG

Ang full time mom na si NADINE SAMONTE ay may dalawa ng anak sina Heather Sloane isang 4 years old at Austin Titus isang 1 year old. Napangasawa nito ang anak ng veteran actress na si Isabel Rivas na nagngangalang Richard Chua. Nagpatuloy si Nadine sa kanyang acting career pagkatapos ng StarStruck hanggang sa magpakasal ito at magka pamilya.

Namalagi sina Nadine sa probinsya ng Zambales nang ipatupad ang community quarantine dahil sa pandemic noong buwan ng Marso taong 2020. Masaya at naeenjoy sila sa buhay probinsya makikita ito ng mag post sa Instagram si Nadine. Nagkaroon din ng dried fish business sina Nadine dahil mayroong farm ang kanyang Mother-in-law sa Zambales.

Katrina Halili

Katrina’s IG


Si KATRINA HALILI ay kasalukuyang kabilang sa drama seryeng Prima Donnas ng GMA 7, at ito ang patunay na tuloy tuloy ang career niya sa showbiz. Abala bilang mommy sa nag-iisang anak na si Katrence Lawrence sa kanyang ex boyfriend na si Chris Lawrence isang singer.

Sa sobrang pagmamahal nito sa anak halos mukha ng anak niya ang pinopost sa kanyang Instagram. Sinabi niya pa sa isang post na mini me niya ang kanyang anak at sabay biro “walang kokontra sa barangay kayo magreklamo”.

Bilang isang working mom, namimiss na niya daw ang kanyang 9 years old unica hija na kung tawagin niya ay Katie dahil sa mga panahong ito ay nasa lock in taping si Katrina.

Cristine Reyes

Christine’s IG

Bilang isang single mom nagagampanan naman ng mabuti ni CRISTINE REYES ang tungkulin sa kanyang only child na si Amarah 5 years old sa kanyang ex husband na si Ali Khatibi isang dating mixed martial arts fighter kahit abala ito sa showbiz career.

Sa isang video itinuro ni Amarah kong paano daw mag alaga ng may sakit na mommy. Sa pamamagitan ng pagmasahe gamit ang topical pain reliever ang kanyang binangit.

Jade Lopez

Jade’s IG


February 26, taong 2020, sa pamamagitan ng C-section ipinanganak ni JADE LOPEZ ang kanilang baby girl ni Rocky Siccion na si Rinoa Sapphire na binansagang Gohan.

Para kay Jade isang pure magic ang magkaroon ng anak sa unang pagkakataon ngayong pasko. Kamakailan lang sinabi niyang para daw nanumbalik ang kanyang pagiging bata at panay ang patugtog niya ng Christmas songs.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Mga Anak Ni Sunshine Cruz Na Magaganda At Matatalino Pa Dahil Sa Mga Achievements Nito

Vendor Ng Mani, Madiskarteng Nagsuot Ng Long Sleeved Polo At Nagdala Ng Briefcase, Pumatok Sa Customers!