in ,

Kilalanin Ang Mga Anak Ni Sunshine Cruz Na Magaganda At Matatalino Pa Dahil Sa Mga Achievements Nito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang aktres na si Sunshine Cruz ay kilalang-kilala sa mundo ng pag-aartista hindi lang dahil galing siya sa pamilya ng mga artista kundi dahil na rin sa kaniyang angking kagandahan at galing nito sa pag-arte. Kaya ngayon namana ng kaniyang mga anak ang kaniyang kagandahan at galing sa pag-arte.

Sunshine’s IG

Mag-isang itinataguyod ni Sunshine ang kaniyang mga anak, kaya ganun na lamang siya kaproud sa mga nagiging achievements ng mga ito sa kabila ng hindi nila pagkakaroon ng isang buong pamilya.

Sunshine’s IG

Ibinahagi ni Sunshine sa kaniyang Instagram ang kaniyang kagalakan kung gaano siya sobrang proud sa kaniyang mga anak. Una niyang ibinahagi ang achievement ng panganay niyang anak na si Angelina kung saan magkakaroon ito ng first lock-in taping sa TV 5 kasama ang mga sikat na artista.

Angelina’s IG

Sumunod naman niyang ibinahagi ang achievement ng pangalawa niyang anak na si Samantha na nakatapos na isang iWant series at naging semi-regular performer na rin sa ASAP Natin ‘to sa ABS-CBN at siya rin ay ipinakilala bilang bagong miyembro ng “Gold Squad” sa nakaraang palabas na Kadenang Ginto.

Samantha’s IG
Samantha’s IG

Siyempre hindi naman magpapahuli ang kaniyang bunsong anak na si Chesca na namamayagpag ngayon sa kaniyang academic standing sa pagiging isang honor student.

Makikita sa mga post ni Sunshine ang kaniyang sobrang kasiyahan kung paano niya pinahahalagahan ang mga achievement ng kaniyang mga anak.

Sunshine’s IG

Ayon kay Sunshine, hindi niya daw alam kung ano ang kaniyang naging pagpapalaki niya sa kaniyang mga anak upang magbigay ito ng sobrang saya sa kaniya dahil sa mga natatamo ng kaniyang mga anak sa kanilang mga buhay. Ipinahayag din niya kung gaano niya kamahal ang kaniyang mga anak.

Sunshine’s IG

Napakahirap man para kay Sunshine ang pagiging isang single mom ay hindi ito naging hadlang upang mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang kaniyang mga anak.

Sunshine’s IG

Sobrang achievement na para sa isang magulang ang mga magagandang nangyayari sa buhay ng mga anak. Kaya bilang pasasalamat ng mga anak ni Sunshine sa kaniya ay ipinararamdam din nila sa kanilang mommy kung gaano rin nila ito kamahal.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Ang Mga Bagong Litrato Ng Masayang Pamilya At Pagsasama Ni Chesca Garcia At Dough Kramer

7 Female Finalists ng StarStruck Batch 1, Mga Mommy Na at Kinompleto Ito Ni Sheena Halili Ng Manganak Nitong December 2020