in , ,

OMGOMG LoveLove CryCry

Isang Magandang Babae Viral Dahil Hindi Aakalain Na Isa Pala Siyang Kargador

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang paghahanap-buhay ay hindi ganoon kadali. Lalo pa’t kinakailangan ang sipag at tiyaga upang umasenso sa buhay. Kinakailangan din ang determinasyon mo sa isang bagay upang mapag-tagumpayan mo ito. Ang paghahanap-buhay ngayon ay hindi na nagiging sukatan kung ikaw ay babae o lalaki basta’t kaya mong gawin ang isang gawain ay pu-pwede. Katulad na lamang ng isang magandang babae na nag-viral ngayon sa social media dahil sa kaniyang pagiging isang kargador. Hindi alintana sa kaniya ang hirap ng kaniyang trabaho.

Photo: Google
Photo: Google


Ang babaeng ito ay si Zhua Qianpei mula Hong Kong siya lang naman ay isang full-time kargador. Dahil sa uri ng kaniyang trabaho hindi makapaniwala ang mga netizens na nakakita sa kaniya sa social media. Ayon sa mga netizens, hindi raw bagay kay Zhua Qianpei maging isang kargador dahil sobra ang kaniyang kagandahan para sa ganitong uri ng trabaho.

Photo: Google
Photo: Google

Si Zhua ay nagtatrabaho sa isang alley shop, hindi makapaniwala ang mga nakakakita sa kanya na nakakaya ang ganoong klaseng trabaho ang kaniyang pinasok. Kapansin-pansin kasi ang kagandahan ni Zhua kung kaya’t marami pa nga raw ang lumalapit sa kanya para makipag-selfie. Minsan nga daw ang akala sa kaniya ng iba ay isang artista dahil sa kaniyang kagandahan.

Photo: Google

Ayon kay Zhua, mahigit isang dekada na siyang nagtatrabaho bilang isang kargador. Nag-eenjoy di-umano siya sa kaniyang trabaho dahil parang work out na rin niya ito. Kahit na hindi madali ang kaniyang trabaho lalo pa’t isa siyang babae. Pero pinag-sisikapan ito ni Zhua dahil sa malaking kita ang kaniyang nakukuha rito.

Kumikita lang naman siya ng umaabot HKD13,000 hanggang HKD14,000 o nasa ₱86,000 hanggang ₱125,000 sa isang buwan. Ito pa ay naka-depende sa kung gaano kabigat ng kaniyang mga binubuhat. Kaya talagang papasukin ni Zhua ang ganitong klaseng trabaho kung ganito naman kalaki ang sweldo.

Photo: Google

Nagbabalak ngayon si Zhua na kumuha siya ng isang delivery truck dahil hindi habambuhay ay ganito ang kaniyang pagkakakitaan. Naiisip ito ni Zhua dahil siyempre darating ang araw na hindi na siya magiging malakas upang magbuhat kaya mag-iinvest na lang siya para magkaroon na lamang siya ng sarili niyang negosyo.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Bahay Na NapakaSimple Ng Disenyo Sa Labas, Napakaganda Pala Ng Disenyo Sa Loob Nito

Anak ni Karla Estrada at Kapatid Ni Daniel Padilla na si Magui Ford, Agaw Pansin Sa Gandang Taglay Nito