Sikat ang Ukay-Ukay lalo na dito sa Pilipinas. Ang pagiging praktikal nating mga pinoy ang dahilan kaya tinatangkilik natin ang Ukay ukay. Kahit na gamit na dahil mura makakabili na ng branded na damit. Pag tiyaga sa pagpili ang diskarte para makapili ng magagandang ukay ukay at magkakaroon ka ng pang bonggang OOTD na hindi halatang galing sa ukay.

Kaya sa hilig ng lalaking nagngangalang Adam Wan Mohammad sa ukay-ukay tila naka jackpot ito sa nakitang wallet na may lamang 200 libong piso.

Kwento niya namimili siya sa isang warehouse ng mga ukay ukay, sapagkat binabalak niyang mag negosyo ng ukay-ukay. Sa paulit ulit niyang pagbili sa warehouse na yun, naging suki na siya rito.

Ang mga nabiling ukay ni Adam ay isa-isa niyang inaayos para ibenta uli. Habang nag-aayos siya ng mga huling pinamiling ukay, mayroon siyang nakapang pitaka sa loob ng bulsa ng isa sa mga pinamili niyang ukay at nang buksan niya ito laking gulat niya ng makita ang malaking halagang laman ng pitaka, kasama sa laman ng pitaka ang Identification Card na pagkakakilanlan ng may ari ng nakitang pitaka. Nang tingnan niya ito tila hapon ang nagmamay-ari ng pitakang kanyang nakita sapagkat japanese yen ang nasabing pera.

Sinubukan din niyang hanapin ang nagmamay-ari ng pitaka ngunit wala namang nag claim ng nasabing pitaka. Isang malaking blessing sa kanya ang nakitang pera at idinagdag na lang niya ito sa kanyang ukay-ukay business.
Ikaw baka sa ukay-ukay business na ang iyong swerte, subukan mo at samahan mo ng diskarte at syempre huwag kalimutan humingi ng gabay sa Itaas na maging matagumpay ito.
Comments
Loading…