in ,

Isang Ina Pumasok Bilang Isang Construction Worker Para sa Pamilya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagmamahal ng isang ina ay walang sukatan, lahat ng pagsasakripisyo ay kanilang gagawin upang maitaguyod lamang ang kanilang pamilya. Sila ang nag-aaruga ng kanilang pamilya at ilaw ng tahanan, ngunit dahil na rin sa hirap ng buhay kaya kinakailangan rin nilang maghanap-buhay para sa kanilang mga anak.

Narito ang kwento kung paano ang isang ina ay nagsasakripisyo sa pagtatrabaho bilang isang construction worker para maitaguyod lamang ang mga pangangailangan ng kaniyang mga anak.

Photo: GMA

Ito ang kwento ng mag-asawang sina Joan at Sherwin kahit noon pa man daw ay sadyang hirap na sila sa pang-araw-araw nilang buhay. Lalo pa ngayong panahon ng p@ndemiya marami ang nawalan ng trabaho at ng kabuhayan kaya halos naghihikahos ang buhay ngayon ng maraming tao.

At isa sa mga pamilyang naapekutahan ng p@ndemiya ang pamilya nila Joan at Sherwin. Kaya si Joan bilang isang ulirang ina ay napilitang pasukin ang pagco-construction upang maitaguyod lamang ang kaniyang mga anak.

Photo: GMA

Ang pamilya ni Joan ay umaasa na lamang sa kanilang pinagkakakitaan kung saan sila ay nagtitinda ng mga prutas noon hanggang dumating sa punto na ito ay nalugi. Humina ang kita ng kanilang tindahan dahil sa isinagawang community quarantine. Kaya nagdesisyon na lamang ang kaniyang asawa na magtrabaho sa malayo upang sila ay may pangtustos sa araw-araw. Dahil na rin sa hindi kumakasya sa kanilang pang-araw-araw ang kinikita ng kaniyang asawa ay nagdesisyon na lamang ito magtrabaho bilang isang construction worker.

Kaya nagsasakripisyo si Joan sa pagtatrabaho kahit na ito ay gawaing panglalaki. Hindi na ito alintana kay Joan ang mahalaga sa kaniya ay masuportahan niya ang kaniyang mga anak. Para kay Joan lahat ay gagawin niya para sa kaniyang mga anak. Dahil maliban sa kaniyang pagco-construction worker siya rin mismo ang nag-aalaga ng kaniyang mga anak bago ito pumasok sa kaniyang trabaho.

Photo: GMA

Hindi na niya iniinda ang pagod basta ang mahalaga ay maalagaan pa rin niya ang kaniyang mga anak.
Umani si Joan ng samu’t saring mga positibong komento mula sa netizens na namangha sa kaniya. Kagaya na lamang ng mga ito.

“Bilib ako sau sister…ganyan tlga pgkailngan ng mga anak kakayanin ang trabaho maitaguyod lmng sila at mabigyan ng magandang bukas.saludo ako sa iyo.MAY GOD BLESS U ALWAYS & ur family.”

“Iba tlga ang kkyanan ng isang Ina pra lng sa pamilya 💞ggwin lht my ibuhay lng pra sa mga anak!”

Photo: GMA

“God bless po ate tlgang kahanga hanga ka at magandang halimbawa sa kababaehan yan ang pusong ina pinapahalagahan kapakanan nga anak saludo aqo sau ate❤”

“Lahat gagawin ng magulang para sa anak, pero ung ibang kabataan post ng post sa twitter ng pagkawalang respeto sa magulang.”

Dahil na rin sa ipinakitang pagsasakripisyo at pagmamahal ni Joan sa kaniyang mga anak, siya ngayon ay naging inspirasyon ng ibang mga ina na nagtataguyod din ng kanilang mga anak.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Andrea Brillantes, Mala-diyosa Sa Kaniyang 18th Birthday Countdown Photoshoot

Bahay Na NapakaSimple Ng Disenyo Sa Labas, Napakaganda Pala Ng Disenyo Sa Loob Nito