in ,

LoveLove CuteCute OMGOMG AngryAngry

Andrea Brillantes, Mala-diyosa Sa Kaniyang 18th Birthday Countdown Photoshoot

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang aktres na si Andrea Brillantes ay kilalang kilala sa kaniyang pagigig isang magaling na teen star. Kahit anong role ang gampanan niya ay sadyang bagay sa kaniya mapa-bida man o kontrabida.

Andrea’s IG

Isa siya sa mga sumisikat na batang aktres ngayon kung saan kabilang siya “Gold Squad” kasama ang iba pang mga teen star na nakasama niya sa teleseryeng “Kadenang Ginto”.

Photo: abs-cbn

Kaya ngayon ang aktres ay malapit ng magdiwang ng kaniyang kaarawan, ito ang kaniyang debut kung saan magiging ganap na siyang dalaga. Sa March 12 ang mismong kaarawan ni Andrea, pero pinag-hahandaan na niya ito.

Andrea’s IG

Ibinahagi ni Andrea sa kaniyang Instagram, ang kaniyang naging advanced birthday pictorial. Makikita sa mga larawang ito ang napakagandang mukha ng aktres. Ang kaniyang birthday photoshoot ay may theme na daring “Goddess of Beauty”, na may caption na “Countdown for my 18th birthday begins: NOW.”

Andrea’s IG

Kitang-kita na sa mga larawan ni Andrea kung gaano siya kaganda at bagay na bagay sa kaniya ang napili niyang birthday-themed pictorial dahil sa kaniyang mala-diyosang mukha. Talaga ngang makikita sa kaniyang mga larawan ang nakakaakit niyang kagandahan na nagpapatunay na siya ay handa ng harapin ang mas mabibigat pang role sa kaniyang pag-aartista.

Andrea’s IG
Andrea’s IG

Ang aktres ay nakapagpatayo na ng pangarap niyang sariling bahay para sa kaniyang pamilya sa napakabatang edad. Ayon pa kay Andrea, ang pagpapagawa niya ng kanilang dreamed house ay napakatagal bago niya naabot dahil inabot ito ng 10 taon upang matapos. Ngunit hindi na alintana iyon para kay Andrea dahil ang mahalaga sa kaniya ay matapos ito, dahil ito ang kaniyang nagiging inspirasyon na mas lalo pa siyang magsipag at magsumikap sa trabaho.

Andrea’s IG

Kaya ngayon, unti-unti na niyang naaabot ang kaniyang mga pangarap bago pa man siya makarating sa tamang edad na pagiging isang responsableng mamayan.

Andrea’s IG

Sa pagbubukas ng taon, maraming mga tv project ngayon si Andrea kasama ang kaniyang “Gold Squad” na mga kaibigan na sina Seth Fedelin, Kyle Echarri at Francine Diaz.

Andrea’s IG

Sa pagiging isang ganap na dalaga ni Andrea, ay ang pagbubukas ng mga panibagong pahina ng kaniyang buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Masuwerteng Lalaki, Jackpot Sa Nakitang Pitaka Na May Lamang Katumbas Ng 200,000 Pesos Sa Bulsa Ng Nabili Niyang Ukay

Isang Ina Pumasok Bilang Isang Construction Worker Para sa Pamilya