in ,

Tagumpay Ng Isang Lalaking Nagmula Sa Barung-barong, Nakapagpatayo Ng Malamansiyong Bahay

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami sa atin na pinapangarap maiahon ang ating mga pamilya sa kahirapan. Ang iba ay patuloy pa rin sa pagkayod upang makamit ang mga pangarap. Ang importante lamang ay hindi tayo sumuko sa bawat pagsubok na darating sa ating buhay.

Tulad na lamang ng isang lalaki na si Jayvee Lazaro Badile II na nagpost ng kanyang kwento ng tagumpay sa Facebook. Isa siya sa mga pruweba na kahit na pinanganak ka bilang mahirap ay magiging mahirap ka habambuhay. Posible pa rin na makamit mo ang maginhawang buhay hangga’t may sipag at tyaga kang taglay.

Before
After
Jayvee’s IG

Ayon kay Jayvee ay ampon lamang siya ng kanyang mga magulang. Lumaki naman si Jayvee na puno ng pangarap upang maibalik sa mga magulang niyang may mabuting puso ang lahat ng sakripisyo nito sa kanya kahit na hindi ito nanggaling sa sinapupunan ng kanyang ina.

Patuloy na pinaramdam ng mga ito na mahal na mahal nila si Jayvee at dahil rito ay malaki rin ang pasasalamat ng binata.

Before

Ipinakita ni Jayvee ang litrato ng kanilang Noche Buena noong 2012, at ang noche Buena nito noong 2019. Makikita na noong 2012 ay maliit lamang ang bahay nito, sapat lamang ang handa at di hamak na mahina ang ilaw sa kanilang hapag-kainan.

After

Ngunit ngayong 2019 ay nasa bagong bahay na nagdiwang ng kanilang Noche Buena si Jayvee at ang kanyang pamilya. Bongga na ang handaan ng mga ito at ang bahay ay parang mansion.

Kwento naman ni Jayvee, “When, Nanay & Tatay adopted me, it wasn’t a good life. Nanay is a vendor, Tatay is a porter. Wala kaming maayos na tulugan, kainan, liguan at palikuran. Kaya now that I have the chance to give back to them, I will make sure they will live their dreams better than what they could ever, imagine!”

Naging inspirasyon naman si Jayvee sa mga taong nasa kalagayan niya noon. Bagamat lalong humihirap ang buhay ay nakayanan ni Jayvee na tuparin ang kanyang mga pangarap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Ang Matagumpay Na Pagdating Ng NASA Perseverance Rover Sa Jezero Crater Sa Planetang Mars Upang Maghanap ng Martian Species o Aliens

Herlene Budol Alyas “Hipon Girl” ng Wowowin Parami Ng Parami Ang Negosyong Naipapatayo