in ,

OMGOMG

Herlene Budol Alyas “Hipon Girl” ng Wowowin Parami Ng Parami Ang Negosyong Naipapatayo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Si Herlene Budol ay bago ngayon sa showbiz hindi pa man siya ganoon kasikat ngunit gumagawa na siya ng sarili niyang pagkakakilanlan sa industriya ng entertainment. Ang kaniyang kapalaran ay nagsimula sa pag-audition niya sa segment ng Wowowin.

Herlene’s IG

Siya ay agad na nagustuhan ng host na si Willie Revillame dahil sa pagiging charming nito at marunong magpatawa ng mga manonood. Dahil sa kaniyang ipinakita agad siyang napabilang sa Willie’s Angel ang mga co-host ni Willie sa kaniyang show.

Photo: Google

Dahil sa masigasig niyang ipinakita ang kaniyang kakayahan at talento ay agad naman siyang kinuha ng GMA bilang isang aktres. Bukod sa kaniyang galing sa pagho-hosting ay binigyan din siya ng kaniyang first drama role sa show ng “Magpakailanman”. Dito sa kaniyang first drama role ay ipinakita niya na hindi lang niya kaya ang magpatawa kundi may kakayahan rin siyang magpaiyak ng mga manonood.

Herlene’s IG

Sa kaniyang umusbong na career ay mas lalo niyang binibigyan ng dedikasyon ang kaniyang pagtatrabaho. Naging puhunan rin niya ang kaniyang pagiging masipag at matiyaga sa trabaho upang unti-unti maging isang successful woman.

Dahil na rin sa kaniyang magandang perspektibo sa buhay ay nagsimula na siyang magkaroon ng mga sarili niyang mga investment properties kagaya na lamang ng pagkakaroon niya ng sariling bahay, kotse at pati na rin ang pagkakaroon niya ng sarili niyang negosyo.

Herlene’s IG
Herlene’s Facebook Page
Herlene’s Facebook Page

Sa isang panayam niya sa GMA Network, nasabi niya kung gaano naging kahirap ang buhay ng kaniyang pamilya noon na ito ang naging dahilan kung bakit siya sumali sa segment ng Wowowin.

Herlene’s IG
Herlene’s IG

Ayon pa sa kaniya, siya ay lumaki sa piling ng kaniyang lolo at lola kung saan sila ang naging dahilan kung bakit siya nagtatrabaho ng mabuti. Dagdag pa niya, ang kaniyang pagpapatawa na lang ang laging nagpapasaya sa kaniyang pamilya at siyempre pati na rin sa ibang tao kaya marami rin talaga ang lagi siyang inaabangan.

Herlene’s IG

Ibinahagi rin ni Herlene kung paano niya ginastos ang kaniyang unang sahod sa Wowowin. Dahil na rin sa advised sa kaniya ni Willie na magcelebrate siya sa labas kasama ang kaniyang pamilya ay ginawa daw niya, upang maiparanas naman niya sa kaniyang pamilya ang kaginhawaan ng buhay. Kaya ngayon, ipinagpapatuloy pa rin niya ang oppurtunidad na ibinigay sa kaniya ng Wowowin.

Herlene’s IG

Mas lalo pa siyang nagsisikap ngayon at nagtatrabaho ng maigi upang mas lalo pa niyang marating ang kaniyang mga pangarap.

Herlene’s IG

Sa pagtatapos ng kaniyang panayam, ay labis siyang nagpapasalamat kay Willie Revillame dahil sa isang oppurtunidad na ibinagay sa kaniya. Nararanasan na niya ngayon ang maging isang bida hindi kagaya dati na puro lang siya extra, kung kaya’t punong puno ng kasiyahan ang kaniyang puso ngayon.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tagumpay Ng Isang Lalaking Nagmula Sa Barung-barong, Nakapagpatayo Ng Malamansiyong Bahay

Mega Star Sharon Cuneta, Pinagmalaki Ang Bagong Figure Nito Sa Kanyang Instagram Post