in , ,

Silipin Dito Ang Mga Masasayang Larawan ni James Yap Kasama Ang Kaniyang Girlfriend At Ang Kanilang Mga Anak

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Si James Yap ay kilala sa larangan ng sports lalong lalo na sa basketball. Ang buhay pag-ibig ng basketbolista ay minsan na rin naging isang kontrabersiya kaya’t hindi siya kaila sa karamihan.

James’ IG

Ngayon ay mayroon ng sariling pamilya ang PBA star player, kung saan masaya niyang ginagampanan ang kaniyang pagiging ama sa kaniyang mga anak na nasa ibang bansa ngayon kasama niya.

James’ IG

Si James ay nagbahagi sa kaniyang Instagram ng kanilang family picture. Makikita sa larawang ito ang kaniyang partner na si Michela Cazzola at ang kanilang dalawang anak na sina Michael James at Franchesca.

James’ IG

Sa mga larawang ito makikita ang ngiti ng kasiyahan sa kanilang mga mukha na sila ay masayang masaya na kasama nila uli ang kanilang daddy James. Kahit may pandemiya nagawa pa rin ni James na bumiyahe patungong Italya makasama lamang ang kaniyang pamilya lalong lalo na ito ay holiday season.

James IIG

Sobrang saya ng larawan na ibinahagi ni James, kung saan kasama niya ang kaniyang dalawang anak. Naging usap-usapan man noon ang kanilang naging hiwalayan ni Michela mukha namang nagkaayos na sila ngayon.

James’ IG

Hindi naman ito makakaila sa mga larawan na pinopost ni James sa kaniyang Instagram na sila ay nagkaayos na at nagkabalikan na alang-alang lamang sa kanilang mga anak.

James’ IG

Kaya pursigido rin si James na alagaan ang kaniyang pamilya lalo pa’t nasa ibang bansa ang mga ito. Kung kaya’t ganoon na lamang ang kasiyahan ng kaniyang mga anak na makakasama na siya ng mga ito.

James’ IG

Nagbahagi rin si Michela ng larawan nila ni James kasama ang kanilang bunsong anak na nagcelebrate ng kaarawan nito.

Sa isa pang larawan ni James na kaniyang pinost, makikita ang bonding nila ng kaniyang bunsong anak na si Franchesca.

James’ IG

Sinusulit ni James ang kaniyang pananatili sa Italya upang makasama ang kaniyang pamilya. Hindi naging hadlang ang pandemiya ang upang makasama ni James ang kaniyang pamilya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Batang Lalaki, Nagbebenta Ng Balut Upang Makabili Ng Cellphone Para Magamit Sa Kanyang Pagmomodule

Silipin Ang Matagumpay Na Pagdating Ng NASA Perseverance Rover Sa Jezero Crater Sa Planetang Mars Upang Maghanap ng Martian Species o Aliens