in , ,

LoveLove

Isang Batang Lalaki, Nagbebenta Ng Balut Upang Makabili Ng Cellphone Para Magamit Sa Kanyang Pagmomodule

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kumalat at naging trending ang batang ito dahil sa post ng butihing si Mr. Kelly John Madeja. Ayon sa kanyang post, habang siya’y nasa Jollibee ng Odiongan para maghapunan lubos ang kanyang galak ng makita sa lugar na yun ang kanyang maituturing na kaibigan na si Atty. Greggy Ramos PCL President sa Probinsya ng Romblon.

Photo: Kelly John Madeja

Habang sila’y kumakain, bumuhos ang malakas na ulan at biglang nakuha ang kanilang atensyon ng may pumasok na batang nagtitinda ng balut sa lugar kong saan sila naroon. At ang batang nagtitinda ng balut ay nakilalang si Mark Mangao.

Photo: Kelly John Madeja

Sa murang isipan nito natuto na siyang mag hanap buhay para makatulong sa pamilya at mabili ang kanyang inaasam na cellphone para sa kanyang pag-aaral.

Hindi kita sa bata ang pagod at hirap sa buong maghapong pag-iikot mula Dapawan hanggang sa bayan ng Odiongan upang magtinda ng Balut, Chicharon at Itlog Pugo.

Photo: Kelly John Madeja
Photo: Kelly John Madeja

Sa pakikipag usap nila sa bata, napansin nilang magaling ito magsalita at managalog at ng tanungin nila ito kung ilang taon na siya at anong baitang, laking gulat nila ng sabihin nitong siya’y 11 taong gulang na at nasa ikatlong baitang palamang. Nagpabalik-balik ito sa pag aaral sa kadahilanang nagpalipat-lipat sila ng tirahan at dahil narin sa kahirapan.

Halos ikadurog ng puso ni Kelly at Atty. Ramos ang kanilang narinig. Tinanong ni Atty. Ramos ang bata kung ilan na lamang ang laman natirang binibentang balut at binili niya ito lahat sabay inabutan niya ang bata ng isang libong piso, habang nakatingin ang bata sa kanyang styro foam na bitbit para tingnan kung ilan ang isusukli, biglang nagsalita ang butihing si Atty. Ramos na sa kanya na ang buong isang libo at sinagot niya na rin ang bayad sa mga pagkain ng batang si Mark.

Photo: Kelly John Madeja

Kitang-kita ang tuwa sa mata ng bata. Nalaman din nilang ang batang si Mark ay taga San Agustin, Romblon ngunit nakatira siya ngayon sa kanyang tiyahin na taga Dapawan, Odiongan, Romblon.

Sa pagpupursige at tiyaga ng bata sa kanyang murang edad hindi malayong makamit niya ang kanyang mga pangarap.

Sa kabilang banda, makalipas ang ilang araw ng magtrending ang kwento ni Mark, ayon sa Facebook post ni Ginoong Marc Dexter Famini, isang may ginintuang puso na nagsabing itago ang kanyang pagkakilanlan sa pangalang Lisa ang lumapit sa Municipal Admin na si Doc. Ramer Ramos upang matunton ang batang si Mark sa lugar na nasasakupan ng butihing Barangay Captain Lee Famisaran upang tuparin ang munting hiling na Cellphone ni Mark at isa ring ayaw magbigay ng pangalan na kung tawagin natin ay Good Samaritan ang nagbigay ng 2 libong piso kay marM upang makatulong sa kanyang pag aaral.

Photo: Marc Dexter Famini

Walang masidlan ang tuwa at galak ng bata sa mga natanggap nitong biyaya mula sa may mga mabubuting kalooban. Buong pusong nagpasalamat ang bata sa lahat ng taong naging daan para matupad ang kanyang munting pangarap na cellphone para may magamit sa kanyang pag aaral.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Angel Locsin, Nakatanggap Ng Bulaklak Mula Kay Marian Rivera

Silipin Dito Ang Mga Masasayang Larawan ni James Yap Kasama Ang Kaniyang Girlfriend At Ang Kanilang Mga Anak