in

Neri Miranda, Nakabili Ng Condominium Dahil Sa Pag O-online Selling Ng Mga Tuyo, Suka at Iba Pa

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Walang duda na ang pago-online selling ay isang patok na patok na negosyo lalo na ngayong nasa panahon tayo ng kahirapan. Bagamat madali itong umpisahan, ay napakahirap pa rin kumuha ng mga customer lalo na at matindi ang labanan sa pagbebenta online. Marami na kase ang competitors lalo na ngayon.

Malaking tulong ang ganitong plataporma lalo na kung small business ka pa lang at nag-uumpisa pa lamang. Kinakailangan gumamit ng diskarte upang makuha ang tiwala ng mga customers na bumili sa online shop mo.

Dinaan naman ni Neri Miranda sa diskarte, sipag at tiyaga ang pagbebenta nito online, kaya naman ay kitang-kita na ang bunga ng tagumpay ng kanyang negosyo. Nakabili umano si Neri ng bagong condominium unit mula sa kinikita sa pag o-online selling. Laki rin ang pasasalamat ng mag-asawa sa Panginoon at sa mga tumangkilik ng kanyang produkto.

Saad ni Neri sa kanyang post, “Thank you, Lord! Isa na namang biyaya from You po. Dahil sa pagtitinda ng tuyo, suka, kape, beddings, sleepwear at accessories online, nakabili ng isang condo sa may tabing dagat.”

Malakas namang pinagmalaki ng kanyang asawa na si Chito Miranda ang tagumpay ng kanyang asawa. Saksi ito mismo sa paghihirap ng asawa na itaguyod ang kanyang small business. Ipinakita rin nito sa post ang kwento ng pagsusumikap ng kanyang asawa.

Naishare din ni Neri na ang mga natutunan niya sa kanyang pagbebenta online. Aniya, “wala palang imposible sa mga taong may mga pangarap, ang mga masisipag at may determinasyon. Lahat ay possible dahil may Diyos at Allah sa buhay at puso nating lahat.”

Naging inspirasyon naman si Neri sa mga fans nito at netizens. Aniya ng isang netizen, “She’s one of my inspirations why I’m kuripot (masinop). There’s nothing wrong with being kuripot, mahirap kumitang pera. And at times of emergency, may madudukot ka at para iwas utang din. Godbless miss neri! Kaway sa mga babaeng maabilidad sa buhay at marunong sa pera!”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Juancho Trivino, Proud Na Nakapagtapos Ng Pag-aaral Matapos Ang 12 na taon sa Kolehiyo

Magkasintahang Homeless Na Nangongolekta Lamang ng Basura ang Ikinabubuhay Nabigyan Ng Libreng Dream Prenup