in ,

Magkasintahang Homeless Na Nangongolekta Lamang ng Basura ang Ikinabubuhay Nabigyan Ng Libreng Dream Prenup

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bagamat nagmamahalan, maraming mga Pilipino ang nagsasama ngunit hindi pa ikinakasal. Sa hirap ng buhay ay mas pinipili ng mga ito na kumita upang may magamit sa pang araw-araw na pangangailangan. Gayun na lamang din ang kwento ni Rosalyn Ferrer at Rommel Basco na masikap na nagtatrabaho araw-araw upang may pagkain sa kanilang hapag-kainan.

May anim na anak ang magkasintahan, at sa kasamaang palad ay walang permanenteng tirahan ang mga ito. Ang pagkokolekta ng basura at pagbebenta ng mais sa kalsada ang pinagkukunan nila ng kita. Bagamat matagal nang magkasama sa hirap ay makikita pa rin ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Kaya naman nang namataan sila ng isang photography team, napagdesisyunan ng mga ito na bigyan ng libreng prenup ang dalawa.

Nitong Valentine’s day lamang, ay isang grupo na binubuo ni Richard Strandz – isang vlogger na kilala sa kanyang makeup transformations, at ng assistant nitong si Dennis Pascual.

Kabilang din ang Rab4Love Studio photographers na si Benjamin at Rachelle Agoc, pati rin ang videographers na si Peaboh David at Paul Cabrera. Kasama ang mga designer na si Rich Sabinian at events coordinator na si Hershey Mayrina.

Bilang isang charity wedding initative, ay nagtungo ang grupo kina Rosalyn at Rommel upang bigayn ang dalawa ng kanilang dream prenup.

Ayon sa photographer na si Rachelle Agoc, “We want to showcase their real life story. What made it picture perfect is the love that they feel for each other. Gusto lang naming magfocus sa kung sino sila as a couple at ipakita ‘yong pagmamahalan nila sa ‘hirap at ginhawa’.”

Hindi naman nabigo ang mga ito dahil tunay na kay ganda ng kanilang mga litrato. Maliban sa prenup at binabalak din ng grupo gumawa ng surprise wedding para sa kanilang dalawa.

Maraming netizen naman ang humanga at natuwa sa kabutihan ng grupo. Kahit na marami ang hindi pa nakakasal ay nagbibigay naman ng aksyon ang mga opisyal na magkapag lungsad ng Kasalang Bayan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na magpakasal.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Neri Miranda, Nakabili Ng Condominium Dahil Sa Pag O-online Selling Ng Mga Tuyo, Suka at Iba Pa

Angel Locsin, Nakatanggap Ng Bulaklak Mula Kay Marian Rivera