in ,

Angel Locsin, Nakatanggap Ng Bulaklak Mula Kay Marian Rivera

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sina Angel Locsin at Marian Rivera ay ang mga magagaling na aktres sa industriya ng showbiz. Pareho silang magaling gumanap sa mga role na ibinigay sa kanila.

Sila ay parehong hinahangaan ng kanilang mga taga-hanga at ng mga manonood. Kung kaya’t nang lumipat si Angel sa Kapamilya hindi maiwasang maikumpara silang dalawa. Ngunit gayunpaman nanatiling magkaibigan pa rin ang dalawa.

Sa Instagram post ni Angel, masaya niyang ibinahagi ang bulaklak at vase na niregalo sa kaniya ni Marian. Pinadalhan si Angel ni Marian ng isang “Dried Blooms” na bulaklak galing sa kaniyang online flowershop business na Flora Vida.

Angel’s IG

Kaya labis na natuwa si Angel sa ipinadalang regalo sa kaniya ni Marian. Ayon kay Angel, napakaganda ng bulaklak at ng vase na iniregalo sa kaniya ni Marian na sobrang nagbigay sa kaniya ng kasiyahan.

Angel’s IG

Kaya nagpost uli ito sa kaniyang Instagram na may caption na, “I think this flower plus vase from @floravidabymarian is simply gorgeous! Don’t you think? 🌾 Salamat sa pampahappy Marian Rivera 🤗.” Ipinahiwatig rin naman ni Marian ang pasasalamat sa kaniya ni Angel.

Si Marian ay nag-aral sa Kyoto, Japan ng mga flower arrangement at ang mga ibang bagay na may kinalaman at kasanayan tungkol sa mga bulaklak. Dito niya natutunan ang mga sikat na mga gawa ng mga kilalang florist sa buong mundo. Kung kaya’t nang umuwi siya ng Pilipinas ay ginamit niya ang kaniyang mga kasanayang natutunan nang maisipan niyang magtayo ng sarili niyang flower shop.

Ang mga netizens ay gandang ganda sa mga bulaklak na ipinakita ni Marian sa kaniyang Instagram. Ayon sa isang netizen, napaka-classical at very comfortable daw sa loob ng bahay ang kaniyang mga bulaklak.

Ayon naman sa iba, pampatanggal ng stress ang mga bulaklak ni Marian. Talaga nga namang nakapa-ganda ng mga bulaklak na kinahihiligan kayo ni Marian Rivera.

Dahil na rin sa matagal nilang pagkakaibigan nila ni Angel Locsin kaya naisipan niyang ibahagi ang kaniyang mga bulaklak upang mapasaya niya rin ito sa kabila ng pandemiya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Magkasintahang Homeless Na Nangongolekta Lamang ng Basura ang Ikinabubuhay Nabigyan Ng Libreng Dream Prenup

Isang Batang Lalaki, Nagbebenta Ng Balut Upang Makabili Ng Cellphone Para Magamit Sa Kanyang Pagmomodule