in , ,

Juancho Trivino, Proud Na Nakapagtapos Ng Pag-aaral Matapos Ang 12 na taon sa Kolehiyo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tunay na walang kasing tamis ang tagumpay na makapagtapos ng pag-aaral. Lalo na kung katulad ng aktor na si Juancho Trivino, na inabot ng 12 taon ang pag-aaral.

Juancho’s IG

Ngunit hindi basehan ang bilang ng taon sa pag-aaral ng isang tao, ang mahalaga ay hindi ito sumuko at nagpatuloy hanggang sa nakamit nito ang tagumpay. Masasabing nasa tamang timing lang ang lahat at darating din sa panahon ng tagumpay basta’t hindi lamang susuko.

Juancho’s IG

Kaya naman ay tunay na kahanga-hanga ang pagpupursige ni Juancho na ipagpatuloy ang pag-aaral kaysa magpokus sa perang kinikita. Nang dumating ang pandemya, karamihan sa atin naitindihan na hindi masasabing ‘stable’ ang isang trabaho kahit gaano ka pa man katagal rito.

Juancho’s IG

Upang magdiwang ng kanyang pagtatapos sa pag-aaral, ay proud itong pinost sa kanyang Instagram ang litrato ng kanyang graduation. Kabilang na rin ang ilang mga ala-ala nito sa eskwelahan bago pa man ang lockdown. Nakapagtapos si Juancho sa De La Salle University at ang natapos niyang kurso rito ay, Bachelor of Science in Entrepreneurship.

Juancho’s IG

Isinulat ni Juancho sa caption ang kwento ng kanyang journey, “Finally! I graduated!! Allow me to share, my story. Swipe right for the pics, I will be talking about. I started college 2009, as you can see iba pa itsura ko, not only that may malaking box pa yung mga monitor ng mga computer (just goes to show) and I stopped mid way to pursue my acting career.”

Juancho’s IG

Mas pinili pa rin ni Juancho na makapagtapos ng pag-aaral kaya naman ay bumalik ito at tinapos ang degree na napili nito. Aniya, “Other than the fact that I realized that life is not one dimensional, I wanted to finish what my parents worked so hard for me to go through, to put me in a good school and to provide for us.”

Ibinahagi rin nito ang hirap ng pagiging working student. Aniya, “After 12 years, natapos din. Kahit via Zoom lang ang graduation ko after all those years of waiting – Gusto kong i-alay to sa Diyos at sa magulang ko @pattytrivino and @acaciadad.”

Juancho’s IG

Nag-iwan din ng mensahe ang aktor para sa mga kabataan na kapareho ng sitwasyon niya, “to encourage others, there’s always rainbow after the rain. It might not be the ideal time for me but God has his perfect time for us. On to the next challenge!”

Juancho’s IG

Marami naman ang netizen na humanga sa aktor dahil mas pinili nito ihinto pansamantala ang karera sa acting upang maipagpatuloy ang pagaaral.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Jillian Ward, Binansagang “Social Media Princess” Dahil Umani ng Milyun-Milyong Followers

Neri Miranda, Nakabili Ng Condominium Dahil Sa Pag O-online Selling Ng Mga Tuyo, Suka at Iba Pa