in ,

LoveLove CuteCute

Jillian Ward, Binansagang “Social Media Princess” Dahil Umani ng Milyun-Milyong Followers

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Mabilis na sumikat sa social media ang kapuso actress na si Jillian Ward. Maganda, sexy at talented, tunay na hinahangaan ang kapuso actress sa mga katangiang ito.

Jillian’s IG

Kasalukuyang umaabot sa milyon ang mga subscribers nito at tinatawang ngayon na social media princess. Bagamat isang teen actress pa lamang ay nakalikom na ito agad ng 9 Million likes sa Facebook.

Ang milyong likes ay inabot lamang ng dalawang linggo sa dalaga. Dagdag pa rito ay inabot rin ng 28 Million views ang post nito sa Facebook. Kaya naman kapansin pansin ang achievement ng dalaga na talagang ikinagulat ng marami.

Jillian’s IG

Ayon naman sa panayam ng PSR.ph thru FB messenger, ay inilahad ni Jillian ang pagkatuwa niya sa mainit na pagsalubong ng kanyang mga tagahanga. Aniya, “Natutuwa po ako, dahil nagbabasa rin po ako ng comments at grabe po yung supporta and pagmamahal po ng mga followers ko.”

Jillian’s IG

Dagdag pa ng teen actress, “Mayroon na po siyang 1.5m likes, 28m views (parang nadagdagan po ng 1 million a day) 28k comments and 60k shares.” Hindi rin maitago ni Jillian ang saya na nararamdaman, aniya, “Masaya po ako na may napapasaya ako through my posts.”

Jillian’s IG

Tinanong din si Jillian kung ano sa palagay nito ang dahilan ng pagviral ng mga posts niya sa Facebook. Ang sabi naman ng dalaga, “Sa tingin ko po dahil na-surprise rin po sila na malaki na si Trudis!”

Jillian’s IG

Pagpapatuloy nito, “Mayroon din po akong video na umabot ng 1.1m likes and 58k shares in only two weeks. Pictures ko po yun na may nagpe-play po na kanta na sinusulat po para sa akin. Title po is Pinay Girl by techflow neri.”

Jillian’s IG

Tinanong naman ang aktres kung nagulat ba ito sa inabot na success ng kanyang posts. Aniya, “Opo, nagulat din po ako dahil umabot po ng 8.5 million followers ko in only four months po.”

Jillian’s IG

Inilahad din ni Jillian ang iba pa nitong videos, “Mayroon din po akong mga song covers dito sa Facebook po… may mga kalahating milyon po yung likes, kaya sobrang thankful ko po talaga.”

Jillian’s IG

Tinanong naman si Jillian kung ano ang reaksyon niya nang tawagin siyang social media star. Aniya, “Sobrang nakakatuwa po kung ganoon ang ibigay po ni God, pero sa totoo lang po, hindi ko po hahayaan na maapektuhan po ako ng ganong title… basta po ginagawa ko lang po ang alam kong makaka-inspire sa iba.”

Jillian’s IG

Sa huli ay nagbigay ng pasasalamat si Jillian sa mga nagtangkilik ng videos niya, “Gusto ko pong mag-thank you sa kanila. Thank you dahil grabe po silang magmahal at dahil po sa kanila, mas may confidence na po akong i-spread yung message ko, which is to just keep pushing forward, stay kind, and to always spread love/good vibes.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Grade 5, Nag-apply Ng Trabaho Upang May Pangtustos Sa Kanyang Pag-aaral

Juancho Trivino, Proud Na Nakapagtapos Ng Pag-aaral Matapos Ang 12 na taon sa Kolehiyo