in

LoveLove

Isang Grade 5, Nag-apply Ng Trabaho Upang May Pangtustos Sa Kanyang Pag-aaral

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang paghahanap ng trabaho ay hindi kailanman nagiging madali lalo pa’t dumadaan tayo sa tinatawag na job interview. Kung saan ito ang isa sa mga nagiging sukatan upang ang isang aplikante ay matanggap sa kaniyang ina-applayang trabaho.

Kung kaya’t upang magkaroon ng magandang kinabukasan kinakailangang magkaroon ng maayos na hanapbuhay upang ang pangangailangan sa araw-araw ay matustusan. Tungahayan natin ang kwento ng isang batang hinaharap mag-isa ang paghahanap ng trabaho upang may paggastos lamang ito para sa kaniyang pag-aaral.

Isang bata ang nag-viral sa social media, siya ay isang grade 5 student na nagmula pa sa General Santos City. Ang batang ito ay si Kervy James Villarejo, isang mag-aaral ng Jose Catolico Sr. Elementary School sa General Santos City. Ang kaniyang kwento ay ibinahagi ng isa sa mga empleyado ng kompanyang Charter Ping An Insurance Corporation.

Chriszel Vicente FB

Ayon sa empleyadong si Chriszel Vicente, ang batang si Kervy ay nag-apply di-umano sa kanilang kompaniya ng trabaho kagaya ng tagalinis o kahit anong trabaho na pwede niyang gawin. Mag-isa lamang pumunta si Kervy sa kompaniya na pinagtatrabahuan ni Chriszel, suot-suot nito ang kaniyang uniporme at kaniyang school bag na umaasang matatanggap sa kaniyang ina-applayan.

Kaya nagulat na lamang ang mga empleyado ng nasabing kompaniya sa pag-aapply ng batang si Kervy. Dahil na rin sa sitwasyon ni Kervy, minabuting tinanong ng mga empleyado ng kompaniya kung ano ang dahilan kung bakit naghahanap siya ng trabaho. Ayon kay Kervy, kailangan niyang kumita ng pera para sa kaniyang mga school project.

Kaya ang netizen na Chriszel na siyang nagbahagi ng kwento ni Kervy ang siya mismong tumulong sa bata dahil naawa siya at nakikita niyang nagpupursige ito sa kaniyang pag-aaral. Kung kaya’t binigyan niya na lamang ng sapat na mga materyales si Kervy para sa gagawin nitong school project. Labis ang naging kasiyahan ni Kervy dahil sa natanggap niyang tulong dahil hindi na niya kailangan pang maghanap ng trabaho sa mura niyang edad upang maitaguyod lamang ang kaniyang pag-aaral.

Criszel Vicente FB

Dahil naging viral ang kwento ni Kervy, mas marami pang tulong ang dumating sa kaniya kagaya na lamang ng pagbibigay sa kaniya ng Php5,000 para sa kaniyang allowance at marami pang-iba.

Isang inspirasyon ang kwento ni Kervy, upang maipakita sa lipunan kung paano ang determinasyon sa sarili ay nagbubunga ng maganda. Na ang batang kagaya niya magiging matagumpay sa buhay pagdating ng araw.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mga Anak ni Regine Tolentino Namana Ang Ganda at Kaseksihan Nito

Jillian Ward, Binansagang “Social Media Princess” Dahil Umani ng Milyun-Milyong Followers