in

CuteCute OMGOMG LoveLove LOLLOL CryCry WTFWTF AngryAngry

Mga Anak ni Regine Tolentino, Namana Ang Ganda at Kaseksihan Nito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tinaguriang ‘Dance Diva’, hindi pa rin kumukupas ang ganda at kaseksihan ng aktres na si Regine Tolentino. Sa panayam dito sa morning show ng ABS-CBN na ‘Magandang Buhay’, ipinakilala ni Regine ang tatlong dalagang anak nito. Kitang kita naman sa mga ito na naman nila ang good looks ng kanilang ina.

Regine’s IG

Pinagbalig-baligtad na ‘Regine’ ang mga pangalan ng kanyang mga anak. Sa interview ay ipinakilala niya ang mga ito at nagkwento ng buhay kasama ang tatlong anak na babae. Bagamat nagmula sa magkaibang ama, makikita na hawig na hawig ang tatlo sa ina nito.

Regine’s IG

Ang panganay na anak nitong si Reigne ay 22 years old na, habang ang kapatid nitong si Reigen ay 20 years old na. Dalawang anak ni Regine sa dating asawa na si Lander Vera Perez, at parehong ubod ng ganda.

Ang bunso naman nitong anak ay ang cute na cute na baby na si Rosie Rignee. Siya ay 11 months old pa lamang at bininyagan noong January 20, nitong taon sa Mount Carmel Parish Church sa Quezon City.

Regine’s IG

Nang tinanong si Regine tungkol sa samahan ng tatlo niya anak, aminado ang aktres na masaya ito lalo na’t tumutulong sina Reigne at Reigen, hindi lamang sa mga desisyon sa negosyo kundi pati na rin sa pag-aalaga sa bunso nilang kapatid na si Rosie Rignee.

Regine’s IG

Malaki ang agwat ng dalawang nakatatandang anak ni Regine sa bunso nitong anak, kaya naman para sa kanya ay, “We are all mommies at home.”

Lahat sila ay kusang nag-aalaga kay Rosie Rignee. Naikwento rin ni Regine na kasing edad niya ang panganak niyang anak nang mabuntis siya rito.

Bilang magulang ay nararapat lamang na paalalahanan nito ang mga anak. Nang tanungin si Regine kung paano ang parenting style nito sa mga dalaga, patawang ipinaliwanag nito na ginagamit niya ang ‘reverse psychology’ sa mga ito.

Kung may ipinagbabawal si Regine sa mga ito ay sa halip na pagbawalan niya ay kabaligtaran ang mga sinasabi niya sa mga ito. Sa ganitong paraan ay kusang-loob na pipiliin ng mga anak niya ang tamang gawin.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Lalaking May Kakaibang Karamdaman Sa Kaniyang Kaanyuan ay Nakahanap Ng Kaniyang “One True Love”

Isang Grade 5 pupil, Nag-apply Ng Trabaho Upang May Pangtustos Sa Kanyang Pag-aaral