in ,

LoveLove CuteCute OMGOMG WTFWTF LOLLOL

Isang Lalaking May Kakaibang Karamdaman Sa Kaniyang Kaanyuan ay Nakahanap Ng Kaniyang “One True Love”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagiging kakaiba ng isang tao ay hindi nagiging sukatan ng tunay na pagkatao, minsan sa pagiging kakaiba nakikita kung sino ang tunay na nagpapakatao. Hindi ito nagiging hadlang upang makatagpo tayo ng isang taong tunay na magmamahal sa atin.

Zingzong’s IG

Parang isang pangarap ang paghahanap ng tunay na pag-ibig, hindi hadlang ang kataayuan sa buhay o ang pagiging kakaiba ng kaanyuan upang makamit ang anumang naisin sa buhay.


Kagaya na lamang ng kwento ng isang lalaking may kakaibang kaanyuan na nakatagpo ng tunay na pag-ibig sa kabila ng kaniyang itsura. Ating tunghayan ang kwento ng buhay ni Zingzong na isang skateboarder sa Cebu City. Siya ay may kakaibang sakit na hindi pa malaman ang tunay na dahilan kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang itsura.

Zingzong’s IG

Ang sakit ni Zingzong ang nagdulot upang ma-deformed ang kaniyang mukha at hindi well-developed ang kaniyang katawan. Wala pang nakakaalam kung ano ang tunay na sanhi ng kaniyang sakit.


Si Zingzong ay isang binatang mahilig maglaro ng skateboarding. Dahil sa kaniyang angking galing sa paglalaro ng skateboarding marami ang nakapansin ng kaniyang kakayahan. Kaya ang kaniyang kaibigan na isang professional skateboarder ang nagpakilala kay Zingzong sa mundo ng social media.

Zingzong’s IG

Dahil sa mga maraming stunts na kaniyang ipinapakita na pinopost niya sa kaniyang social media mas dumarami ang mga namamangha sa kaniyang kakayahan at galing sa skateboarding.


Siyempre kagaya rin ng maraming mga kabataan, dumating rin sa puntong siya ay nakatagpo ng isang taong tatanggap at magmamahal sa kaniya sa kabila ng kaniyang itsura.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi niya ang isang larawang kasama ang isang babaeng may hawak na baby na may caption na, “Family Picture”.

Zingzong’s IG

Tunay ngang nakahanap siya ng babaeng magmamahal at ipagmamalaki siya sa buong mundo. Sa mga larawang ibinahagi ni Zingzong sa kaniyang social media mababakas sa mukha ng kaniyang girlfriend na masaya siya sa piling ni Zingzong na walang pag-aalinlangan niyang ipinagmamalaki si Zingzong.

Zingzong’s IG


Kaya ang mga netizens ay namangha sa girlfriend ni Zingzong dahil sa kabila ng itsura nito kailanman ay hindi niya ito ikinahiya. Sa katunayan sobrang proud at napaka-supportive ng kaniyang girlfriend lalong-lalo na sa pag-abot nito sa kaniyang mga pangarap.

Dahil sa angking galing ni Zingzong sa paglalaro ng skateboarding mas maraming mga netizens ang naging interesado sa kaniya na makilala pa ang tunay na kwento ng kaniyang buhay.

Zingzong’s IG


Kailanman hindi magiging hadlang ang pagkakaroon ng kaibahan ng isang tao upang makilala siya ng mundo. Tao rin silang maituturing na may karapatang makilala lalong lalo na mayroon silang angking galing na kanilang ibinabahagi sa lipunan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin ang 3-Storey Contemporary House ni Bea Alonzo Na Binansagang Sophisticated House

Mga Anak ni Regine Tolentino, Namana Ang Ganda at Kaseksihan Nito