in

Tingnan Ang Mga Nakakaaliw na Larawan Ng Anak ni Carlo Aquino Na Si Baby Enola

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bininyagan na ang anak ni Carlo Aquino at ni Trina Candaza na si Enola Mithi Aquino. Makikitang napaka-cute at mukhang masaya na masaya si Enola at ang mga magulang nito. Hindi rin napigilan ng netizens magbigay ng papuri sa cute na cute na si Enola.

January 11, 2021 ang binyag ni Enola na sinundan naman ng reception sa Flossom Kitchen + Café sa San Juan.

Tanging ang mga malalapit na kaibigan at pamilya lamang ang kasama ng mga ito sa celebration para na rin sa kaligtasan ng isa’t isa ngayong panahon ng pandemya.

Nagbahagi naman sa social media ng mga litrato at videos ang mag-asawa at mga ka-anak ng espesyal na araw sa buhay ng pamilya. Tuwang tuwa naman ang mga fans at netizens sa cute na cute na si Enola at proud na sinalubong ng mga Kristyano.

Matatandaan na tahimik ang dalawa sa pregnancy ni Trina. Pero noong September 13, 2020 ay proud na ibinalita sa lahat ang pagdating ni Enola sa mundo.

2019 naman nang inamin ni Carlo Aquino na magkasintahan na sila ni Trina. Ibinahagi niya ito noong panayam sa kanya sa ‘Tonight With Boy Abunda’.

May mga showbiz personalities na talagang pinipili na mag lay- low sa pribado nilang buhay. Sa ganitong paraang ay mas nagiging intimate ang bawat sandali na magkasama ang mga ito lalo na’t first baby nila si Enola.

Sa kabilang banda, may mga artista na nais pa rin ibahagi sa mundo ang kanilang pribadong buhay. Marahil ay gusto nilang maging role model o kaya naman ay maging open sa kanilang fans.

Datapwat ay hindi naman ito requirement para maging masaya. Makikita na masayang masaya sina Carlo Aquino at Trina sa kanilang cute na baby girl.

Ibinahagi naman ni Carlo Aquino na binabalak nilang dalawa magpakasal ngunit sa ngayon ay si Enola muna ang iniintindi nila.

Posible kayang sorpresahin na lamang nila ang publiko pagkatapos ng pandemya?

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Rhian Ramos, Maaliwalas Na Ang Mukha At Gumanda Na Uli Ang Katawan Matapos Dumaan sa Pagsubok

Juliana Gomez, Dalagang Na Dalaga Na Sa Mga Sexy Niyang Litrato na Nakakasummer Vibes