in ,

Isang Lalaki Sampung Beses Nagparetoke at Mamamangha Ka sa Naging Resulta

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bawat isa sa atin ay tiyak na may pinagdaanan na malaking pagsubok bago tayo nakarating sa kinatatayuan natin ngayon. Kadalasan ay ang mga pagsubok na ito ay nakapagpabago ng ating buhay para sa nakabubuti. Hindi rin maiwasan na may mga taong magiging kasangkapan ng pagsubok na kakaharapin natin.

Para kay Michael Bistro, ay isang bully ang tumayong pagsubok sa buhay nito. May mga kaklase at minsan ay mga ka-eskwela na sumakit ng kanyang damdamin.

Madalas umano si Michael punahin dahil sa kanyang di kaaya-ayang hitsura. Malapad at pango ang kanyang ilong, moreno at hindi perpekto ang kutis nito. Kadalasan ay may tigyawat pa ito. Nakakarinig siya ng mga masasakit na salita at kasabay pa ang pambubully sa kanya, ay talagang nakapagpababa ito ng loob niya.

Lalo itong na insecure sa kanyang hitsura kaya naman nagdesisyon na itong magpa cosmetic surgery. Pina-enhance nito ang ilong para lalong tumangos.

Dahil sa kagustuhan na mabago ang hindi kaaya-ayang parteng ng kanyang mukha ay nagparetoke ito ng sampung beses. Di nagtagal ay nakuha rin nito ang gusto nitong hitsura at naibalik ang kanyang self confidence na nawala.

Tiwala itong hindi na ito makakarinig pa ng masasakit na salita dahil sa kanyang hitsura. Aniya, “Bata pa lang ako, madalas na akong i-bully. Tinatawag akong ulikba, ilang-daga. Sobrang sakit.”

Naikwento rin nito na minsan na itong my nakasamang babae noong hindi pa ito nagpaparetoke at harap-harapang sinabihan na pangit siya. Aniya, “One time nasa labas ako ng bahay. May kasama ako. She squeezed my face. Sabi niya, ‘Michael ang pangit mo!'”

Marami namang netizens ang nagpakita ng kanilang reaksyon sa comment section. Marami ang nabighani sa laki ng pagbabago ni Michael at marami rin naman ang hindi nagustuhan ang ginawa nito.

Nafeature din ang kwento ni Michael sa palabas ng GMA na ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Juliana Gomez, Dalagang Na Dalaga Na Sa Mga Sexy Niyang Litrato na Nakakasummer Vibes

Nakakabighaning Mga Bagong Larawan ni Kc Concepcion, Umani ng Papuri at Komento Sa Mga Netizens