in ,

Rhian Ramos, Maaliwalas Na Ang Mukha At Gumanda Na Uli Ang Katawan Matapos Dumaan sa Pagsubok

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang palaisipan sa mga netizen at lalo na sa mga tagahangga ng aktress na si Rhian Ramos ang biglaan nitong pag payat. Napansin ito ng publiko ng lumabas ang mga litrato ng aktres kong saan mapapansin ang sobrang laking pagbabago ng kanyang pangangatawan.

Rhian’S IG

Upang linawin ang tunay na dahilan ng kaniyang biglaang pag payat at masagot na niya ang kumakalat na mayroon siyang eating disorder.

Sinabi niya sa isang panayam “Of course not! Pag nakatingin ako sa salamin, alam ko at nakikita ko kung ano ang itsura ko” Sinundan niya pa ng mga katagang ” It’s not like I’m trying to lose weight because i feel big kasi naiisip talaga ng tao na nag diet at nag cardio ako para pumayat ng ganito! Yung totoo talaga is it’s out of stress”.

Rhian’S IG

Ang paghihiwalay nila ng kanyang Isaraeli na boyfriend na si Armit Borsok ang totoong dahilan. Na stress ang aktres ng maging broken hearted siya, halos 15 pounds ang nawala sa kanyang timbang at sobra niya itong ikinagulat ng makita niya ang sarili.

Alam naman nating lahat kong gaano kasakit ang ma broken hearted kaya sobrang nasaktan siya sa paghihiwalay nila ng kaniyang boyfriend.

Rhian’S IG

Ang pagkawala ng gana sa pagkain at kahit gaano kasarap ang pagkaing nasa harap niya ay halos hindi niya ito malasahan . Halos hindi na rin daw siya nakakatulog ng maayos at dulot ito ng pagka stress. Umabot din sya sa puntong lagi nalang siyang nasa kama.

Rhian’S IG

Dahil sa sobrang pagmamahal niya sa ex boyfriend niya, hindi naging madali para sa kanya ang mag move on. Halos dati rati naman daw ay madali lang para sa kanya, pagtapos ng break up maghahanap lang siya ng libangang at lalabas kasama ang kanyang mga kaibigan. Pero tela nag iba na ngayon ang sitwasyon, labis siyang apektado at hirap maka move on.

Rhian’S IG

Sa gitna ng mga pinagdaanan ni Rhian Ramos siniguro niya sa kanyang mga fans na inaalagaan na niya ngayon ang sarili at kumakain na siya ng maayos at halos 5 oras narin ang kanyang tulog, higit sa lahat sumasali narin siya sa bible study.

Rhian’S IG

Sa mga nabanggit, sa mga mabuting pag babago niya matapos dumaan sa stress mapapansing halos nagiging maayos na rin ang lahat, hindi niya narin binanggit ang dahilan ng kanilang hiwalayan ng dati niyang kasintahan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Napakagandang Panganay Na Anak ni Ogie Diaz

Tingnan Ang Mga Nakakaaliw na Larawan Ng Anak ni Carlo Aquino Na Si Baby Enola