in ,

Kilalanin ang Napakagandang Kapatid ni Janine Guttierrez Na May Natural Blue Eyes

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sikat na aktres na si Janine Guttierrez, at mayroon palang kapatid na babae na kasing ganda nito. Higit sa lahat, ay may natural blue eyes ito na talagang nakakabighani.

Anak ni Lotlot De Leon at Ramon Christopher si Janine Guttierrez at ang kapatid nitong si Jessica Guttierrez.

Kung komportable si Janine sa spotlight, si Jessica naman ay mas pinili ang simpleng tahimik na buhay. Sa kabila ng pagkakaiba ng dalawa sa interes nila at direksyon ng buhay nila, ay hindi maitatanggi na malapit na malapit ang loob ng dalawang kapatid sa isa’t isa.

Marami naman ang nagulat sa fans ng showbiz family nang malaman na may blue eyes si Jessica. Pinanganak noong Abril 15, 1992 ay likas na kulay asul ang mga mata at ang natural na brunette na buhok ni Jessica. Minsan na umanong naisip ng mga nakakita dito kung foreigner ang ama ni Jessica.

Sa paghahalughog naman sa family tree ay may hispanic blood ang ama nitong si Ramon. Kung titingnan ay walang duda na nagmula sa mga magulang nito ang magagandang genes ni Jessica at ni Janine. Marami rin ang nakapuna na parehong ubod ng ganda ang magkapatid sa kabila ng pagkakaiba ng kulay ng mga mata nila.

Nanatiling low key naman si Jessica sa kabila ng pagkakaroon ng showbiz-oriented na pamilya. Ngunit sa bawat okasyon na diniriwang ng pamilya ay makikita si Jessica sa mga litrato.

Mapapansin naman sa social media ni Jessica na mahilig ang dalaga sa aso. Madalas pa nitong ibahagi ang mga litrato ng kanyang aso sa Instagram account nito.

Mayroon traveler soul si Jessica at madalas din ito makita sa posts niya. Nakapamasyal na ito sa iba’t ibang parte ng mundo, minsan ay kasama ang kapatid at ang mga magulang. Ilan na lamang sa napuntahan ng dalaga ay ang Tokyo, New York, Boracay, Los Angeles at Bohol. Nais umano nito makakita at makaranas ng iba’t ibang kultura at mga bagay.

Mula sa lahat ng napuntahan nito ay madalas rin itong magpunta sa dagat. May mga beaches itong napuntahan at halatang paborito nito dahil madalas nito itong balikan. Makikita sa posts nito na madalas itong tumambay sa mga beach, magrelax at mag sun bathing.

Sa 1991 na edisyon ng Gintong Mariposa ay minsan nang itinampok si Jessica kasama ang lola nitong si Pilita Corales, ang ina nitong si Lotlot De Leon at ni Janine.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin ang Poging Anak Nina Aiko at Jomari Yllana

Mamamangha Ka Sa Glow Up Transformation Ng Babaeng Ito