in ,

Kilalanin ang Poging Anak Nina Aiko at Jomari Yllana

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kinagiliwan ng mga nanunuod ang 22 years old na si Andre Yllana anak ni Jomari Yllana ng mapanuod Ito sa kapuso talk show na The Ryza Mae Show at mas lalong hinangaan ng ipakita niya ang angking galing sa pag arte ng mapabilang ito sa isang episode ng Kapamilya Real show na Maalaala Mo Kaya kasama ang sikat na mga artists na Sina Iñigo Pascual at Maris Racal.

Kalaunan napasama na rin siya Kapamilya series na The Greatest Love at Iwant online seryeng “Alam at ng Ano” noong 2018 bago Ito mag guest sa ibat ibang guesting television.

Kilala rin bilang isang YouTube influencer ang binata at hindi rin basta gwapo lang si Andre Yllana, astig rin ito lalo na sa larangan ng karera, naiuwi niya ang titulong 3rd place sa kauna unahan niyang sabak sa kompetisyon ng pagkakarera.

Sa ngayon upang mahasa ang kanyang husay sa pag-arte, napabilang na sya sa Viva Artist Agency na naglaan ng maraming film at televison projects para sa kanya.

Sa pagpasok ni Andrei Yllana sa mundo ng showbiz, gusto niyang bigyang diin na gusto niyang sumikat at makilala bilang sya at hindi dahil sa sikat at may pangalan ang kanyang mga magulang sa showbiz.
“Sana makilala din ako as Andrei Yllana po talaga” wika niya sa isang panayam, ” Hindi lang anak ni Aiko o anak ni Jomari, gusto ko rin po gumawa ng sarili kong pangalan.

Tulad ng kanyang mga magulang na nag pursige, handa na rin si Andrei na sumabak sa seryosong kareer sa pag aartista. Pumirma na ng kontrata si Andrei bilang isang bagong miyembro ng Viva Artist Agency (VAA) .

Sa usaping pag-arte, nabanggit ni Andrei na gusto niyang makasama at makapareha si Julia Barretto at iba pang sikat na artista na sina Bea Alonzo at Yllona Garcia.

Pinangalanan niya rin na ang kanyang showbiz crush ay si Liza Soberano .

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Angel Locsin at ang Biglaang Weight Gain Nito, Ano Nga Ba ang Dahilan?

Kilalanin ang Napakagandang Kapatid ni Janine Guttierrez Na May Natural Blue Eyes