in ,

Angel Locsin at ang Biglaang Weight Gain Nito, Ano Nga Ba ang Dahilan?

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami ang nakapuna sa biglaang pagbabago ng pigura ng katawan ng sikat na aktres na si Angel Locsin.

Lingid sa kaalaman ng madla ay may malalim na dahilan kung bakit biglaan ang pagbabago ng katawan nito.

Balingkinitan at napakasexy ni Angel Locsin, kaya naman ay ito ang napili na gumanap sa palabas na ‘Darna’ na isinulat ni Mars Ravelo. Swak na swak sa kanya ang role lalo na’t sinamahan pa ng talento ang ganda at makinis na kutis nito.

Sa kasamaang palad, ay nagtamo ng injury si Angel Locsin sa isang taping ng Darna. Spine Injury ang natamo nito, at maswerte na rin ito na hindi ito nagdulot ng paralysis. Kung matatandaan sa biology, ang spinal cord ang control system at nagsisilbing koneksyon ng brain at ng central nervous system.

Ipinatingin naman niya ito sa doktor at inamin na ok na ito ngunit hindi na mababalik sa dati. Aniya, “I think better na siya. Hindi naman siya mawawala. Mag-i-improve lang condition. Pero iyon na siya for life.”

Bagamat gumaling na ito ay mayroon pa rin mga limitasyon sa pag-galaw si Angel. Hindi ito maaaring biglaang yumuko, tumalon o umikot. Aniya, “Noong bumalik ako ng workout, umiyak ako, eh. Naramdaman ko ‘yung mga hindi ko na puwedeng gawin. Dati kasi feeling mo superhero ka talaga, kaya mong gawin lahat.”

Dagdag pa ng aktres, “Kailangan mong harapin na iba na. Hangga’t hindi mo natatanggap ‘yon, hindi ka mag-mo-move forward kasi, eh.”

Dumaan sa maraming operasyon si Angel Locsin upang mapabuti ang kalagayan nito. Kabilang na rin ang napakaraming medikasyon na tinatake nito na siyang naging sanhi ng mabilisan nitong paglaki.

Marami naman ang nakapansin sa plus size na pangangatawan ng aktres. Normal naman sa mga nasa karera ng showbiz na panatilihin ang kanilang pigura dahil ito ang puhunan ng mga aktor upang gumanap sa iba’t ibang roles sa pelikula o telebisyon.

Subalit nang mapansin ng netizens ang pangangatawan ni Angel ngayon ay nakahalata na sila na maaaring may pinagdaanan ito.

Sa kabilang banda, may mga taong mas piniling kutyain ang aktres kahit na hindi nito alam ang tunay na dahilan. Sa kabila ng weight gain nito ay patuloy pa rin ang aktres sa mga adbokasiya na pinaninindigan nito. Patuloy pa rin itong gumagawa ng kabutihan sa abot ng makakaya nito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nabuntis Nang 18 Years Old Ngunit Nagpursige Makapagtapos ng Pag-aaral

Kilalanin ang Poging Anak Nina Aiko at Jomari Yllana