in ,

LoveLove CuteCute CryCry

Nabuntis Nang 18 Years Old Ngunit Nagpursige Makapagtapos ng Pag-aaral

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bagamat maagang nabuntis ay pinagpatuloy pa rin ng teenager na ito na magpurisge makatapos ng pagaaral.

Hindi maipagkakaila na may mga sitwasyon tayong kakaharapin nang hindi natin inaasahan. Kahit na may pagsubok na dumating ay hindi nagpadala sa haka-haka at mga paninira ang estudyanteng si Zianne Temedal.

Panganay ito sa tatlong magkakapatid, at kahit na likas ibuhos sa panganay na anak ang responsibilidad, aminado naman si Zianne may pagkatigas ang kanyang ulo. Natatawag siyang ‘black sheep’ ng pamilya nila dahil sa pasaway nitong paguugali.

Nasa ikatlong taon sa kolehiyo si Zianne nang makaramdam ito ng sintomas ng babaeng nagdadalang tao. Kinukuha niya ang kursong Medical Technology sa South Western Technology sa Cebu at may kutob na ito na posibleng buntis nga siya. Upang kumpirmahin kung sya nga ba ay buntis, nagtungo ito sa pinakamalapit na OB-Gyne clinic. Doon nakumpirma ang kutob niya, siya ay buntis. Sa pagkakataong iyon ay narinig din niya ang first heartbeat ng batang nasa sinapupunan niya. Hindi mawari ni Zianne kung ang nararamdaman ba niya ay galak o lungkot. Aniya, “Naiyak ako. Hindi ko alam kung tears of joy or sadness. Pero ang sarap sa pakiramdam pag narinig mo ang first heartbeat ang baby mo.”

Dahil sa pagdating ng bagong yugto ng buhay nito ay kinailangang magdesisyon ni Zianne kung itutuloy o ititigil ang pagaaral lalo na’t isang taon at ilang buwan na lang naman ang natitira. Sa bandang huli ay lakas loob nitong pinili na makapagtapos ng pagaaral.

Sa tulong at suporta ng mga magulang nito ay kinaya ni Zianne ang isa sa pinakamahirap na yugto ng buhay niya. Matapos siya manganak ay inalalayan siya ng pamilya niya sa pagaalaga sa kanyang anak. Panandaliang nasa Mindanao ang kanyang anak kasama ang mga magulang niya. Dahil dito ay nakapagbigay motibasyon o gana na magpursige makapagtapos ng pagaaral. Aniya, “Gusto kong magtapos on time kasi ‘yun ang gusto ng parents ko. Gusto ko ring maibalik sa kanila ang lahat ng binigay nila sa akin at sa anak ko.”

Hindi rin siya pinabayaan ng kanyang mga kaibigan. Madalas pa nga nila siyang tulungan sa pagbubuhat ng kanyang bag noong buntis ito. Sinasamahan rin nila siya sa library upang mag-aral lalo na’t araw araw nito itong ginagawa.

Aminado naman si Zianne na hindi naging madali ang pinili niyang magpatuloy sa pag-aaral lalo na’t may kinakaharap din siyang pangungutya mula sa mga kaklase o ka eskwela. Minsan ay nakakarinig pa ito ng mga masasakit na salita at pasaring sa ibang ka eskwela. Aniya, “Masakit.. nakakahiya, pero wala na akong pakialam kasi hindi naman sila ‘yung makikinabang sa mga ginagawa ko. Ako at ang baby ko naman ang makaka-benefit sa pag-aaral ko.”

Ibinahagi rin ni Zianne na nagbibreastfeed ito habang nag-aaral. Inilalagay nito sa freezer ang gatas upang maipadala sa Mindanao, sa kanyang anak. Aniya, “Ilang bottles pinupuno ko tapos nilalagay ko sa freezer at pinapadala sa Mindanao through ice bucket. Cargo lang thrice a week. Umiiyak ako parati. Every time na naririnig kong umiiyak siya… gusto ko nang umuwi. Kaso alam ko kailangan kong tiisin ang lahat ng lungkot, kasi para sa kanya ‘yung pag-aaral ko.”

Nagbunga naman ang pagpupursige nito nang makagraduate na siya at makuha ang Medical Technology degree. Aniya, “Regrets are inevitable, so are mistakes. Nagkamali ako pero hindi ibig sabihin ay uulitin ko ito. That one mistake taught me a valuable lesson… Mahirap, pero worth it.”

Nagsilbi namang inspirasyon si Zianne sa kababaihang nasa similar na sitwasyon, na sakabila ng nangyari ay hindi ito pinanghinaan ng loob at hindi sumuko. Bagkus ay nagpursige at nagtumibay ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin ang Anak ni Gary Estrada na Isa na sa mga Hunk Actor sa showbiz

Angel Locsin at ang Biglaang Weight Gain Nito, Ano Nga Ba ang Dahilan?