in ,

Kilalanin ang Anak ni Gary Estrada na Isa na sa mga Hunk Actor sa showbiz

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi mapagkakailang nakuha niya ang tindig at kisig ng kanyang amang isa ring Artista. Si Kiko Estrada ay parehas na anak ng mga sikat na artista na sina Gary Estrada at Mikee Diaz. Nabibilang din sya sa angkan ng mga politiko, ang dating Presidente ng Pilipinas na si Joseph Estrada ay isa sa mga tiyohin ng Actor, kabilang rin sina E.R Ejercito at JV Ejercito.

Sa usaping pag aartista, hindi lang ang hitsura ang namana ni Kiko sa kanyang mga magulang, biniyayaan rin ito ng talento sa pag arte tulad ng kanyang mga magulang. Sa Kapamilya nagmula ang actor at lumipat bilang isang Kapuso ngunit kalaunan bumalik sya upang maging isang Kapamilya sa istasyon ng ABS-CBN.

Kiko’s IG

Parehas na marami ang naging proyekto ng actor sa dalawang Istasyon ” GMA at ABS-CBN “. Pamilya ko, Annaliza, Strawberry Lane, Yagit, Princess in the Palace, Promdi, G! Luh!, Walwal, My Fairytail Love Story ay ang ilan sa mga teleserye at proyekto na kinabilangan ng aktor. Ito ang ilang mga patunay kong gaano siya kahusay bilang isang artista.

Kiko’s IG
Kiko’s IG

Ang pagkapanalo niya sa German Moreno Youth Achievement Award by 63rd FAMAS Award in 2015 at bilang Outstanding New Nest Actor by World Class Excellence Japan Award for Sinungaling mong Puso in 2017. Ito rin ay isang katibayan na nasa dugo niya ang pagiging Artista. At hindi niya lang basta gustong maging hunk, isa rin sa mga pangarap niya ang gumanap bilang isang leading role at mapasama sa mga Best Film Movies ayon sa kanyang panayam.

Ang kisig at tindig na talagang hinahangaan ng maraming kababaihan ay may taas na 5’11. At kung tatanungin ang istado ng kanyang puso, si Kiko Estrada ay umibig ng tatlong beses sa tatlo niya ring kapwa artista.

Sa taong 2015, isang pag ibig ang nabuo sa kanila ng aktres na si Kim Rodriguez na tumagal ng halos isang taon, ayon sa balita. Sa sumunod na taon, taong 2016 muli syang nagkaroon ng relasyon sa isang sikat na aktres na walang iba kundi si Barbie Forteza ngunit bago matapos ang taong 2017 nag hiwalay ang dalawa.

Sa kasalukuyang relationship status ng hunk actor kinumpirma niyang in a relationship na sya sa isang actress nga nagngangalang Devon Scroh.

Hindi natin mapagkakaila na si KiKo Estrada ay isa sa mga nag gagwapohang aktor sa kasalukuyan na may maipagmamalaking angking talento bilang artista .

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Bea Alonzo at Gerald Anderson, pareho ang captions na ginamit sa IG? Coincidence?

Nabuntis Nang 18 Years Old Ngunit Nagpursige Makapagtapos ng Pag-aaral