in ,

Bea Alonzo at Gerald Anderson, pareho ang captions na ginamit sa IG? Coincidence?

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kumakalat sa social media ang usaping Bea Alonzo at Gerald Anderson matapos na ma-mataan ng mga netizen ang pagkakapareho ng captions nila sa Instagram.

Bagamat hiwalay na ang dalawa, ay hindi nakakalimutan ang fans at netizens ang paghihiwalay ng mga ito noong 2019. Naging malaking usapin ang paghihiwalay nila matapos magkaroon ng haka-haka na dahil umano sa third party ay kanilang nasirang relasyon. Itinuturo naman na si Julia Barretto ang dahil umano ng hiwalayan.

Julia’s IG

Sa kabilang banda, may mga usapin naman na si Julia Barretto at si Gerald Anderson ay magkasintahan na. Marami rin daw ang mga pruweba na lumabas sa social media na nagpapatunay na nasa relasyon ang dalawa. Isa na rito ang nababalita noon na nasa Zambales Resort umano si Julia noong mga panahon ng quarantine.

Julia’s IG

Lumabas ang usapin matapos magpost ng video ang sinasabing personal assistant umano ni Gerald, ngunit nang tanungin naman sila ay mas gusto pinili nila maging pribado sa kani-k anilang love life. Hanggang ngayon ay hindi parin kinokompirma ng dalawa kung nasa relasyon nga ba sila.

Si Bea naman ay nali-link lay Dominique Roque matapos makitaan ng mga litrato ang dalawa na magkasama. Mas tumibay naman ang hinala ng mga netizens matapos mabuking si Bea sa sarili nitong Vlog kasama ang kaibigan nitong si Enchong Dee.

Bea’s IG

Halatang minahal ng madla ang Bea and Gerald tandem noon. Bagamat hiwalay na ay napansin pa rin ang pagkakahalintulad ng mga caption nito.

Unang nakapagpost si Bea Alonzo ng photo nito sa Instagram na may caption na, “Trust the timing of your life”.

Matapos ang isang buwan, ay si Gerald naman ang nagpost ng photo nito sa sarili nitong Instagram account at nagcaption na, “Trust the timing of your life” at nakatag ang @hayatiprivateresort na siya naman private beach resort ng aktor sa Zambales.

Bagamat isang buwan ang agwat ng mga post ay kaduda-duda ang pagkakapareho ng captions ng mga ito. Hindi kaya ay tanggap na ng dalawa na magkahiwalay na daanan ang tinatahak nila?

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin ang pitong nag-gagandahang mga anak na babae ni Nadia Montenegro

Kilalanin ang Anak ni Gary Estrada na Isa na sa mga Hunk Actor sa showbiz