in

Real Life Superhero: Pagtatanim ni Angel Locsin at Neil Arce ng puno sa Bulacan farm nito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Mapapansin sa mga nagdaang kalamidad ang malalang epekto ng Global Warming. Patindi nang patindi ang mga pangyayari sa mundo na sanhi naman ng pagputol sa mga puno at pagabuso sa kalikasan. Kaya naman ang mga maliliit na hakbang ng tao upang maibalik at maisalba ang kalikasan ay may malaking epekto para sa ikabubuti ng lahat.

Angel Locsin IG

Kilalang aktres na si Angel Locsin at ang nobyo nito na si Neil Arce ay nagsimulang magtanim ng puno sa lupain nito sa Bulacan. Kilala si Angel Locsin sa pagtulong sa mga nangangailangan. Mabilis itong tumulong sa mga nasalanta ng bagyo. Nagdonate at nagrepack rin siya mismo ng mga relief goods kasama na rin ang personal na pag-abot ng tulong sa kapwa Pilipino.

Angel Locsin IG

Katulad ni Jak Ma, ay nakatanggap rin ito ng award bilang ‘Hero of Philantrophy’ dahil isa ito sa mga outstanding na personalidad sa Asia. Pero kinikilala din si Angel Locsin bilang isang Real Life Superhero dahil sa madaliang pagresponde para tumulong tuwing kinakailangan.

Angel Locsin IG

Isa sa mga vlog ni Angel ay ang tungkol sa nababadyang deforestation sa iba’t ibang lugar. Upang labanan ito ay nanawagan rin ang aktres na tumulong at magtanim rin ng puno. Mayroon itong itinatag na proyekto, ang ‘Green Passion’ na ang layunin ay reforestation o pagtatanim ng mga puno para sa kalikasan.

Angel Locsin IG

Ipinaliwanag din ni Angel ang maaaring epekto ng pagtuloy na pagputol ng puno. Aniya ay magiging delikado na ang hangin na ating lalanghapin, mas titindi ang mga baha na darating at magiging prone sa erosion ang lupa.

Angel Locsin IG

Ang farm ng aktres ay nasa San Jose del Monte, Bulacan. Ayon rito ay binili niya lamang ito noon para makatulong sa mga magsasaka, subalit ngayon lamang niya naasikaso ito. Kaya naman nang mainspire ito na magtanim ng puno upang tumulong sa reforestation efforts ng iba’t ibang organisasyon sa mundo ay isinabay na rin niya ang panawagan sa taong bayan na tumulong.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

40-yr old mommy, napagkakamalang kasintahan ng kaniyang anak dahil sa angking kagandahan nito

Kilalanin ang pitong nag-gagandahang mga anak na babae ni Nadia Montenegro