in ,

Batang gumagawa ng assignment sa tulay habang nagbebenta ng sampaguita, pumukaw sa puso ng mga netizens

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami sa mga kabataan ngayon ay naimpluwensyahan ng hindi maganda o mas pinagtutuunan ng pansin kung ano ang uso. Kaya naman ay hindi nabibigyan ng lubos na oras ang pag-aaral. Kaya naman ay nang namataan ng isang netizen ang batang gumagawa ng assignment habang nagbebenta ng sampaguita sa overpass ay hindi nito napigilang tumigil at mapahanga.

In-unpload ng isang netizen na si Aaron Joseph Yulde ang litrato ng bata sa social media. Sa kabila ng marumi at maingay na paligid ay nagsisikap pa rin ang bata na tapusin ang assignment nito. Makikita sa litrato na nakadapa ang bata sa lapag at nakabuklat ang libro nito, pati na rin ang notebook na sinusulatan nito ng assignment. Sa harapan nito ay nakalagay sa lapag ang binebenta nitong bulaklak na Sampaguita.

Makikita na padaan-daan lamang ang mga tao sa overpass at hindi napapansin ang binatilyo.

Makikita sa larawan ang kasipagan ng batang ito para sa kanyang pagaaral. Karaniwan sa ganitong edad na bata ay nasa bahay kumakain ng hapunan at gumagawa ng assignment sa hapagkainan o sa kwarto nito. Subalit, dala ng kahirapan sa buhay ay pinili ng bata na lumabas at magbenta ng Sampaguita habang tinatapos ang assignment sa eskwela.

Tila kaawa-awa ang bata lalo na’t dumidilim na ang paligid dahil pababa na ang araw nang makita ito ng netizen. Mapapansin rin na nasa lapag lamang ito at halatang hindi komportable ang posisyon habang gumagawa ng homework. Wala ring makikitang sapin ang bata na pumo-protekta sana sa bata at sa malamig na sahig.

Naantig ang mga puso ng netizens nang makita ang post. Nagtrending ang post at umani ito ng 5.7k shares. Hindi na rin katakataka na marami ang nagulat at bumilib sa batang ito. Sa murang edad pa lamang ay napakasipag nitong magpursige sa mga pangarap nito sa kabila ng estado nito sa buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang matagumpay na Negosyante, ibinahagi na ang tanging naging puhunan niya ay ang kaniyang sipag at diskarte

40-yr old mommy, napagkakamalang kasintahan ng kaniyang anak dahil sa angking kagandahan nito