Kapag naririnig natin ang pangalang Lyca Gairanod, pumapasok agad sa ating isipan kung paano ang isang batang musmos na may angking galing sa pagkanta ang siyang nagwagi sa unang season ng singing competition ng “The Voice Kids” sa Pilipinas.

Ang kaniyang tagumpay ay inaalay niya sa kaniyang pamilya upang matupad ang pangarap niya ang pangarap niyang matulungan ang kaniyang pamilya. Ang kaniyang kwento ay nagpaantig sa maraming manonood.

Mula sa isang pagiging batang musmos na lumalabas ng kanilang tahanan kasama ang kaniyang pamilya upang mangolekta ng mga itinapon na plastik, mga lumang pahayagan at iba pang mga recycable na scrap sa Cavite. Ito ang kanilang naging hanapbuhay noon upang may makain lang sila sa araw-araw.

Si Lyca ay hindi nawalan ng pag-asa na sila ay makakaahon sa kahirapan. Kaya ginamit niya ang kaniyang talento upang maabot niya ang kaniyang mga pangarap.
Kamakailan-lamang na naging viral ang malaking pagbabago ni Lyca. Kaya naman ang mga netizens ay namangha sa kaniyang kagandahan kumpara sa kung ano ang hitsura niya bago siya manalo sa kumpetisyon ng “The Voice Kids”.

Ibinahagi ni Lyca ang kaniyang larawan sa kaniyang Instagram, at kitang-kita sa larawang ito ang kaniyang pagbabago sa pagiging isang maganda at kaibig-ibig na dalaga.

Naging inspirasyon ni Lyka ang kaniyang talento upang magkaroon ng pagbabago sa kaniyang sarili. Mas nakilala siya ngayon ng nakakarami bukod sa kaniyang mga taga-hanga dahil sa kaniyang magandang pagbabago. Hindi aakalain na sa pagiging batang paslit ay malayo na ang kaniyang narating sa buhay.

Bagaman hindi siya madalas na napanood sa telebisyon sa loob ng mahabang panahon, nakita pa rin ng kaniyang mga tagahanga ang mga nagiging update tungkol sa kaniya sa pamamagitan ng kaniyang mga post sa social media.

Kaya ngayon ay siya ay nakatuon sa kaniyang pag-aaral upang mas lalong may marating siya sa kaniyang buhay na panghahawakan niya habangbuhay.
Comments
Loading…