in ,

Isang matagumpay na Negosyante, ibinahagi na ang tanging naging puhunan niya ay ang kaniyang sipag at diskarte

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagiging madiskarte sa buhay ay nagbibigay sa atin ng tagumpay. Hindi nagiging basehan ang estado sa buhay upang hindi umasenso. Naging ispirasyon ang isang kwento ng isang netizen kung paano siya umasenso sa buhay.


Ito ang kwento ng netizen na si Ian Gonzeles, siya ay tubong taga Batangas City. Ibinahagi niya sa kaniyang social media ang kaniyang pakikipagsapalaran kung paano siya naging matagumpay sa buhay.

Ayon kay Ian, hindi nagiging basehan ang mataas na marka upang maging matagumpay sa buhay. Tamang diskarte at kasipagan ang dapat nagiging puhunan umasenso sa buhay lalo pa’t nararanasan ang kahirapan ngayon.


Ibinahagi niya ang kaniyang natamasang tagumpay sa kabila ng kaniyang mga mababa marka nung siya ay nag-aaral pa lamang. Ayon pa sa kaniya, hindi grado at diploma ang nagiging batayan ngayon kundi ang sipag at diskarte ang nagiging labanan upang umasenso sa buhay.

Si Ian ngayon ay may negosyo ng naipundar na naging bunga ng kaniyang pagsisipag na makaahon sa kahirapan. Dagdag pa niya, hindi lang basta pagsisipag ang kaniyang ginawa pati na rin ang pagtitiyaga nito na maitaguyod ang kaniyang negosyo.


Makikita sa mga larawang kaniyang ibinahagi ang kaniyang pag-asenso dahil halos marami siyang ibenebentang mga motor accessories pati na rin ang serbisyong may ugnayan sa sasakyan ay kaniyang rin tinatrabaho. Nagiging positibo lamang si Ian sa buhay upang mas lalong lumago ang kaniyang negosyo.

Dagdag pa niya, hindi man siya naging matagumpay sa kaniyang pag-aaral nakikinita niya naman ngayon ang nag-aabang na mas higit pang tagumpay na darating sa kaniyang buhay.


Ang pag-asenso ay hindi basta dumarating lang sa buhay ngunit ito ay pinagsisikapan. Sa tulong na rin ng kaniyang pagtitiwala sa poong maykapal na maabot niya ang tagumpay sa buhay. Ang kaniyang pasisipag at pagtitiyaga sa kaniyang negosyo ay lagi niyang nilalakipan ng dasal bilang kaniyang pasasalamat na rin sa lahat ng biyayang kaniyang natanggap sa buhay kabilang na dito ang kaniyang tagumpay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

“The Voice Kids” Champion, Lyca Gairanod, isa nang ganap na dalaga ngayon

Batang gumagawa ng assignment sa tulay habang nagbebenta ng sampaguita, pumukaw sa puso ng mga netizens