in

Tunghayan ang buhay ngayon ng aktres na si Joyce Jimenez pagkatapos niyang iwanan ang pag-aartista

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Si Joyce Jimenez ay isa sa mga sikat na sexy star noong 90’s dahil sa kaniyang kagandahan at hubog ng katawan siya ay pumatok sa karamihan. Marami ring naging pelikula si Joyce kung saan naipakita niya ang kaniyang galing sa pag-arte dahil dito nabansagan siyang “Pantasiya ng Bayan”.

Source: Paul Ely Egbalic Facebook

Sa edad na 18, nagsimula ang karera ni Joyce sa pag-arte nang magdesisyon ang kaniyang pamilya na lumipat sa Pilipinas. Bukod sa pag-arte ay sumasali rin noon si Joyce sa mga beauty pageant. Sa panahon ng kaniyang kasikatan natagpuan niya ang taong kaniyang makakasama sa habangbuhay. Iniwan niya ang pag-aartista upang magpakasal sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Paul Ely Egbalic noong 2008. Ang kaniyang asawa ay miyembro ng United States Airforce na isang Filipino-American.

Source: Paul Ely Egbalic Facebook

Kaya ngayon mayroon ng itinataguyod na pamilya si Joyce, siya ngayon ay nakatira sa San Diego, California kasama ang kaniyang asawa at mga anak. Isa na ring career woman si Joyce ngayon bilang isang office supervisor sa kaniyang pinagtatrabahuan sa California.

Source: Paul Ely Egbalic Facebook

Ayon pa kay Joyce, hindi siya nagkaroon ng mga regrets na minsan na niyang iniwan ang showbiz upang magkaroon ng tahimik at maayos na buhay kasama ang kaniyang pamilya.

Source : Paul Ely Egbalic Facebook

Super hands-on mommy si Joyce lalong-lalo na sa kaniyang anak na may autism. Kaya ganoon na lamang kung itaguyod niya ang kamalayan tungkol sa mga batang may ganoong klaseng disorder. Makikita sa mga larawang ibinahagi ng kaniyang asawa sa social media ang masaya nilang pagsasama. Mailalarawan kay Joyce na tama ang naging desisyon niya na iwanan ang pag-aartista upang maging isang hands-on mommy.

Source: Paul Ely Egbalic Facebook

Lumipas man ang panahon ang kagandahan ni Joyce ay kailanman ay hindi pa rin nagbabago. Masayang-masaya si Joyce sa buhay na kaniyang pinili ngayon. Wala man siya sa liwanag ng kasikatan ang mahalaga ay mayroon siyang isang mapagmahal at masayang pamilya na kaniyang karamay sa lahat ng bagay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Job Offer ng isang Milyonaryo, umaabot sa P2.4 Milyon ang sahod para sa hinahanap niyang Personal Assistant!

Basurerong na makeover, nagmukhang foreign celebrity