in ,

Batang Vlogger, na nagcelebrate ng 2 Subs naging 100k+ Subscribers sa loob ng 2 araw lamang

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Lalong dumarami ang gumagamit ng social media sa panahon natin ngayon nang dahil sa pandemya. Karamihan ay umaasa sa maayos na internet connection upang makapagtrabaho mula sa bahay. Ang ilan naman ay nawili sa pagpapakita ng kanilang talento – mapasayaw man o kantahan, gamit ang iba’t ibang plataporma sa social media.

Sa kasamaang palad ay dahil sa marami ang nahuhumaling sa pagu-upload ng video ay lalo din naman dumarami ang kompetisyon upang makaagaw ng atensyon ng mga viewers. Kaya naman ang iba ay hindi na napapanood o napapansin. Mapalad na kung umabot ng libo ang iyong subscribers. Pahirap ng pahirap ang pagkuha ng subscribers at manonood, kaya’t may mga pangarap na naka ‘on-hold’.

Subalit may isang bata na hindi sumuko at nagpatalo sa negatibong emosyon ng estado ng kanyang vlog. Dahil nang makamit nya ang 2 subscribers ay ipinagdiwang pa niya ito. Nagpost siya sa kanyang FB account na ipinagdiriwang niya ang pagkakaroon ng dalawang manonood. Aniya, “Happy 2 subscriber. Subscribe to my channel. Thank you so much delirushph for the food treat!”

Nakangiting naka pose pa ang dalagita katabi ang mala-fudgee bar na chocolate cake at may icing na nakasulat ay, ‘2 sub’. Nilagyan pa niya ito ng posporo na nagsilbing kandila at dekorasyon. Tulad ng mga ipino-post ng mga influencer kada may milestone silang sine-celebrate ay naglagay din ng palamuti sa dingding ang dalagita. Nakasulat sa tila pinunit na pahina ng notebook ay, “2 Subs Thank You”.

Nakakaantig ng puso ang ginawa ng bata at napapa-alala tayo na ang maliliit na hakbang patungo sa ating mga pangarap ay importante rin. Hindi kailangan magmadali sa pag-abot ng mga ito kundi ang kailangan ay pagsisikap at tiyaga.

Makikita ang inosenteng post ng dalagita ngunit may malakas na mensahe itong dala. Ang mga bata ay mabilis maka-appreciate ng mga bagay kahit gaano’t kaliit man ito.

Maraming netizens naman ang nakapansin rito at inulan ng papuri ang bata at ngayon ay galing sa 2 subscribers, naging 100k at padami pa ng padami ang subscribers na ang meron siya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Basurerong na makeover, nagmukhang foreign celebrity

“The Voice Kids” Champion, Lyca Gairanod, isa nang ganap na dalaga ngayon