in ,

Basurerong na makeover, nagmukhang foreign celebrity

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami ang transformation videos na makikita sa internet, pero madalas ay naipapakita nito na tunay na ganda ng pisikal na anyo ng tao. Kilalanin ang nagviviral na basurero na binigyan ng makeover ng isang stylist.

Siya si Dennis Pascual, na salat man sa buhay ay hindi ikinakahiya ang kanyang pamamaraan upang kumita. Nagmumula sa Angeles City, Pampanga si Dennis at araw-araw niyang ginagawa ang pangangalakal ng mga recyclable na gamit na kanyang napupulot sa daan.

Nakilala naman siya ng isang mabait at talented na stylist na si Richard Strandz. Napag-isipan nitong bigyan ng makeover si Dennis na madalas niyang nakikita sa kalsada. Ayon dito ay walong taon na niyang nakikita si Dennis na dumadaan sa kalsada nila, kaya naman ay panatag ang loob niya nang piliin niya itong imakeover.

Source : Richard Stranz

Sa panahong nakasama ang dalawa ay naikwento ni Dennis ang buhay niya. Aniya, inabandona pala siya umano ng kanyang pamilya noong pitong taong gulang pa lamang siya. Simula ng mga panahong iyon ay homeless na si Dennis at nangangalakal na lamang upang kumita.

Sa maikling paguusap nila, nasabi ni Dennis, “Kawawa nga po ako eh, minsan napapalaban po ako doon.”


Ikinagulat naman ni Strandz ang nalaman niya at tinanong ito, “May nambu-bugbog sayo?” Sagot naman ni Dennis, “Di po ako lumalaban.”


Napagpasyahan ni Strandz na putulan ng buhok at bigyan ng damit si Dennis kasama ng kanyang makeover. Matapos nito ay kinuhanan na ni Strandz ng mga litrato si Dennis para sa isang mini-photoshoot.

Hindi rin inaasahan ni Strandz ang resulta, lalo na nang mapansin niya na kahawig nga nito ang Hollywood celebrity na si Chris Pratt. Ayon pa rito ay napakadali raw nitong turuan dahil mabilis itong matuto. Aniya, “Ang bilis niyang turuan. Kanina habang nasho-shoot nga tayo, napansin ko bakit ang bilis mong turuan?

Source : Google

Matapos ang makeover ay binayaran ni Strandz si Dennis ng P500 para sa nakalakal nito at nangakong bibilhan ng bagong damit. Huling hiling lamang ni Strandz sa kanya ay huwag makikipag-away at maging mabuting tao.

Source : Google

Ipinost ni Strandz sa kanyang YouTube Channel ang vlog ng makeover ni Dennis. Marami naman ang napahanga sa nakakagulat na makeover, at ngayon ay mayroong 55, 188 views.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tunghayan ang buhay ngayon ng aktres na si Joyce Jimenez pagkatapos niyang iwanan ang pag-aartista

Batang Vlogger, na nagcelebrate ng 2 Subs naging 100k+ Subscribers sa loob ng 2 araw lamang