in , ,

Tingnan kung gaano kaswerte ang isang Pinay na OFW na libreng ipinag-shoshopping ng kaniyang amo sa bawat bansang kanilang mapuntahan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi kailanman naging madali ang pagtatrabaho sa ibang bansa lalo pa’t nararanasan ng nakakaraming mga OFW ang malayo sa kanilang pamilya. Ngunit dahil na rin sa hirap ng buhay kaya maraming mga Pilipino ang nagtatrabaho na lamang abroad upang may pangsuporta sa kanilang mga pamilya. Pero hindi lahat ng mga nagiging OFW sa ibang bansa ay iisa lamang ng kapalaran, mayroong nakararanas ng paghihirap at mayroon ding nakararanas ng kasiyahan.


Katulad na lamang ng isang pinay na OFW na si Elma Setenta na isang yaya sa Ghana, Africa. Si Elma ay matagal na sa kaniyang employer siya ay nag-aalaga ng anak ng kaniyang amo. Napaka-swerte ni Elma sa kaniyang mga amo dahil sadyang mababait ang mga ito sa kaniya.

Bukod sa lagi siyang isinasama ng kaniyang mga amo sa mga trippings nila abroad ay inililibre din di-umano siya ng mga ito sa lahat ng gusto niyang ishopping sa bawat lugar na kanilang mapuntahan.

Hinahayaan lang si Elma ng kaniyang amo sa kung anuman ang gusto niyang bilhin kung kaya’t maraming naipapamili si Elma para rin sa kaniyang pamilya. Kaya bilang pasasalama t niya sa kaniyang mga amo siya ay nagtatrabaho ng maayos at inaalagaan niyang mabuti ang anak ng kaniyang amo.

Ayon pa kay Elma, ni minsan daw hindi naranasang pagmalupitan siya ng kaniyang mga amo hindi naman daw siya magtatagal ng serbisyo rito kung hindi sobra ang kabaitan ng kaniyang mga amo.


Kung kaya’t ganoon na lamang ang kasiyahan ni Elma sa kaniyang mga amo dahil sa mga biyayang natatanggap niya mula sa mga ito ay binibigyan din siya ng sapat na sahod upang mayroon siyang maipadala sa kaniyang pamilya sa Pilipinas.

Kaya dahil sa kaniyang natatamasa mula sa kaniyang mababait na amo ay marami ng naipundar si Elma para sa kaniyang pamilya. Sa pagsusumikap niya at pagtatrabaho ng maayos sa kaniyang amo ang naging dahilan upang mas lalo siyang magustuhan ng mga ito.


Ibinahagi ni Elma sa kaniyang social media ang kaniyang kwento upang maipakita sa buong mundo kung kagaano kabait ang kaniyang mga amo at maging inspirasyon sa mga kapwa niya OFW. Sa hirap ng pagtatrabaho abroad ay may mga tao pa rin ang nagbabahagi ng kanilang kabaitan sa kanilang kapwa kahit hindi man nila ito kalahi.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

6 Universities in the Philippines that belong to the GreenMetric World University Rankings

Camille Prats, pinabilib ang netizens sa slimmer figure nito