in , ,

Job Offer ng isang Milyonaryo, umaabot sa P2.4 Milyon ang sahod para sa hinahanap niyang Personal Assistant!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sikat na sikat sa social media si Matthew Lepre. Hindi lamang sa galing nito sa e-commerce na negosyo kundi pati na rin sa angkin nitong kagwapuhan. Madalas sabihin ng fans nito kung gaano ito ka ‘good-looking’.

Matthew Lepre Instagram

Idagdag pa ang katotohanan na milyonaryo ito, ay talagang ‘package deal’ kung tutuusin ang offer na ipinost nito sa social media.

Matthew Lepre Instagram

Isang Personal Assistant ang hanap ni Matthew, at may nakakagulat na salary ang nakakabit dito. Nagoffer ito na magpapasahod ng $50,000 o halos P2.4 Million ang katumbas na pera sa Pilipinas. Gwapo na, mayaman pa, galante pa magpasahod, sino ba naman ang hindi mag-aapply?

Matthew Lepre Instagram

Lalong dumadami ang nagsikap na mag apply sa trabaho nang magbigay ng job description si Matthew. Tinawag niyang ‘coolest job in the world’, ang kanyang job offer dahil makakatravel rin daw sa buong mundo kasama niya, ang kukunin nitong assistant at all expenses paid pa! Kaya naman ay labis na nagtrending ang job post nito, dahil na rin sa dami ng nagkukumahog mag-apply.

Matthew Lepre Instagram

Dumaan rin sa paghihirap si Matthew noong estudyante pa lamang siya. Nagdrop-out umano ito sa kolehiyo matapos magkaroon ng patong-patong na student loan. Ang loan nito ay nagkakahalaga ng $30,000 o P1.4 Milyon. Kung pagtatrabahuin mo ito ay tiyak na matagal mo pa ito mababayran sa laki ng halaga. Kaya naman ay napagdesisyunan nito na magdrop-out at magnegosyo na lamang.

Matthew Lepre Instagram

Naging matagumpay ang negosyo ni Matthew at nagt-travel sa buong mundo katulad ng Hawaii, Dubai at Japan. Kinailangan na niya ng personal assistant na makakatulong sa kanya sa kanyang mga gawain lalo na’t palago ng palago na ang kanyang negosyo.

Matthew Lepre Instagram

Kaya naman isang competent at magaling mag manage ang hinahanap nito bilang assistant niya. Kailangan nito ng taong marunong mag multi-task, mag ayos ng schedules tulad ng itineraries at marunong mag handle ng social media platforms. Dagdag pa nito ay kailangan may pasaporte na valid hanggang 12 months.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Camille Prats, pinabilib ang netizens sa slimmer figure nito

Tunghayan ang buhay ngayon ng aktres na si Joyce Jimenez pagkatapos niyang iwanan ang pag-aartista