in ,

Ruffa Mae Quinto nag “House Tour” kung saan ibinahagi niya kung gaano kaganda ang bago nilang bahay sa Amerika

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Mula sa pagiging isang magaling na artista at komedyanteng si Rufa Mae Quinto siya ngayon ay masayang naninirahan sa Amerika kasama ang kaniyang pamilya. Sa pagiging isang komedyante likas na sa kaniya ang kaniyang kagalingan sa pagpapatawa. Kaya gustong-gusto siya ng nakakarami dahil sa kaniyang taglay na kagalingan sa pag-arte at katalinuhan.


Si Rufa Mae kasama ang kaniyang awasa na si Trevor Magallanes at anak na si Athena ay naninirahan ng masaya sa Amerika. Hands-on mommy ngayon si Rufa Mae bukod sa kaniyang trabahao may oras pa rin siyang alagaan ang kaniyang anak.

Isa itong panibagong buhay kay Rufa ang pagiging isang ina at asawa. Kaya sini-secure ni Rufa ang pagkakaroon nila ng bahay. Bukod sa pinapagawa niyang bahay sa Pilipinas mayroon din silang bagong bahay sa Amerika.


Ito ang kaniyang ibinahagi sa kaniyang Instagram, ang kanilang bagong bahay sa Amerika. Sa kaniyang post, labis siyang nagpapasalamat sa kaniyang asawa dahil sa walang sawang pagsuporta nito sa lahat ng pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang pagtupad nito sa pangarap nilang magkaroon ng sariling bahay sa Amerika.

Sa lahat ng pagsusumikap ng kaniyang asawang si Trevor sa kaniyang trabaho upang makaipon lamang at makabili sila ng sarili nilang bahay sa Amerika ay lubos na ipinagpapasalamat ni Rufa.


Sa latest youtube vlog ni Rufa pinasilip nila sa publiko ang loob ng kanilang bahay habang inihahanda nila ang mga gamit na kanilang ilalagay. Mapapanood sa kaniyang vlog kung saan sila bumili ng kanilang mga gamit para sa bago nilang bahay. Nag-eenjoy si Rufa at kaniyang anak habang sila ay naglilinis ng kanilang bahay bilang kanilang paghahanda sa paglalagay nila ng mga gamit.

Nag house tour si Rufa kasama ang kaniyang anak pagkatapos nilang masiguro na malinis na ang loob ng kanilang bahay, una nilang ipinakita ang kanilang napakalinis na kusina. Sumunod naman nilang ipinakita ang kwarto ni Athena at sumunod naman ang kanilang masters bedroom. Masayang masaya na ibinahagi ng mag-ina ang kanilang house tour.

https://www.instagram.com/p/CKVBTUwARCb/?utm_source=ig_web_copy_link


Sa hirap na naranasan ni Rufa noon ay hindi lubos aakalain na matutupad ang pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay. Makikita sa mga post ni Rufa na sobra-sobra ang kanilang nararanasang kasiyahan ngayon.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nakakahangang Anak Ng Tanod at Kasambahay, Nakapagtapos Bilang Cum Laude

6 Universities in the Philippines that belong to the GreenMetric World University Rankings