in ,

LoveLove OMGOMG CuteCute

Nakakahangang Anak Ng Tanod at Kasambahay, Nakapagtapos Bilang Cum Laude

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tunay na kahanga-hanga ang isang binatilyo na nakapagtapos ng kolehiyo bilang Cum Laude sa kabila ng kahirapan sa buhay. Anak ng tanod at kasambahay, ay alam na ni Johnrick Art Catindoy Orense na hindi magiging madali abutin ang pangarap niyang makapagtapos ng kolehiyo.

Minsan nang nasabi sa kanya ng kanyang mga magulang na piliin na laman ni Johnrick ang kumuha ng kurso sa TESDA. Ang Technical Education and Skills Development o TESDA ay naglalayon na magbigay ng libreng diploma courses na maaring magamit upang makakuha ng trabaho o mapagsimula ng negosyo.

Source: Jhonrick Orense FB

Isa ito sa mga paraan ng gobyerno upang matulungan ang mamamayang Pilipino na walang kakayahang magbayad ng tuition sa mga educational institution. Dahil rito ay marami na ang natulungan ng TESDA na magkaroon ng tamang skill set para sa trabaho na inaasam nila.

Wala namang masama kung pipiliin ito kaysa sa kumuha ng college degree ngunit kung ang kakayahan lamang sa sinasahod ng magulang ay hindi sumasapat upang makapag-aral ng kolehiyo, isa sa mga mabuting solusyon ay ang pagkuha ng diploma sa TESDA.

Source: Jhonrick Orense FB

“Nak, mag-TESDA ka na lang.” ito ang sinabi ng magulang ni Johnrick. Dagdag pa nila ay, “magtrabaho ka na lang muna, wala pa tayong pera.”

Ayon kay Johnrick ay nagmatigas ito sa kanyang gusto, “Pero matigas ang ulo ko. Hindi ko sinunod yung utos niyo. Pinili kong mag-aral kaya heto yung resulta.”

Mas pinili ni Johnrick makakuha ng degree course dahil ito talaga ang pinapangarap niya. Kaya naman ay pinilit niyang magaral para na rin makuha niya ang pinapangarap na kinabukasan.

Kinuha niya ang kursong Bachelor of Arts in Journalism. Nakapagtapos siya bilang Cum Laude, at dahil dito ay masayang masaya ang kanyang magulang. Pinost ni Johnrick ang kanyang kwento sa social media at walang duda, ay agad naman itong nagviral.

Source: Jhonrick Orense FB

Aniya, “This is not to boast my achievements. Rather, I am posting this to inspire and motivate everyone who think they can’t. Always think that financial constraints is not an excuse. Just like you. I am an ordinary person but I chose to do things extraordinary. A friendly reminder that poverty is never a hindrance to success and anything you aspire and dream of will always be possible with faith.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Empanada Vendor at Welder, Proud Sa Anak Nila Nang Maka-10th Place Sa Nursing Board Exam

Ruffa Mae Quinto nag “House Tour” kung saan ibinahagi niya kung gaano kaganda ang bago nilang bahay sa Amerika