in

Gwapong Amerikano na humingi ng tulong kay Tulfo, Mr. Right nga ba ng isa sa mga staff ng programa?

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang gwapong Amerikano ang lumapit sa programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong dahil niloko umano siya ng kanyang Pinay girlfriend. Hindi maitago ng pagkadismaya ni RJ Russell matapos malaman na niloloko lamang pala siya ng kanyang kasintahang Pinay na si Adora.

Source: Raffy Tulfo In Action

Dahil na rin marahil sa pinagsamahan ng dalawa ay mabilis nakuha ni Adora ang loob ni RJ. Nagtiwala umano ang kano rito at nagpadala ng pera upang makapagpundar ng lupa at bahay dito sa Pilipinas. Ayon rito ay nagkakahalaga ng P25 milyon ang kabuuang halaga na ipinadala ni RJ kay Adora.

Sa kasamaang palad, ay wala ni isang kusing na maipakita si Adora kaya naman ay labis ang pagkadismaya ng kano nang malaman niya ito. Ni isang ari-arian ay walang ipinakita si Adora.

Kaya nang malaman niya na may posibilidad na matulungan siya ni Idol Raffy gamit ang programa nito ay agad na lumapit si RJ upang magsampa ng reklamo sa dating kalaguyo. Nang tumawag si Idol Raffy kay Adora upang komprontahin at alamin ang panig nito, ay hindi nito nasagot ang telepono dahil raw mahimbing ang tulog nito dulot ng gamot na pampatulog na iniinom nito.

Pahayag naman ni RJ na madalas raw itong gawin ni Adora tuwing kokomprontahin niya ito at nagbanta na umano si Adora na wawakasan ang kanyang buhay sa bandang 4:00 ng hapon.

Dahil sa sinabi ni RJ ay napagpasyahan na pupuntahan na lamang daw si Adora sa bahay nito upang makausap.

Bago pa man matapos ang programa ay may napansin ang mga staff kay RJ. Ayon sa mga ito, panay daw ang tingin nito Kay Angie, na isa ring staff ng programa. Nahuhulaan raw nila na mukhang tipo ni RJ si Angie. Inamin naman ni RJ na mas maganda si Angie kaysa kay Adora.

Source: Raffy Tulfo In Action

Hindi naman pinalampas ni Idol Raffy ang pagkakataon na makapagdulot ng ngiti sa staff niya at agad na tinawagan si Angie upang sabihin na may gusto sa kanya ang kanilang complainant. “Angie, mukhang magiging milyonarya kana, magblow-out kana at ngayon pa lamang ay mangutang na tayo sa bombay sa pang blow-out mo kasi patay na patay daw sayo si kano,” palabirong sinabi ni Idol Raffy.
“Si Angie, okay yan exotic beauty. Mahilig talaga si RJ sa mga exotic beauty,” dagdag pa ni Idol Raffy.

Source : Raffy Tulfo In Action

Samantala, nang pinuntahan ng staff ng programa si Adora upang kausapin ay isang masamang balita ang bumungad sa kanila. Itinuloy umano ni Adora ang banta at wala na ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Estudyanteng pinagsabay ang pagko-konstruksyon worker at pag-aaral, nakapagtapos bilang Valedictorian

Empanada Vendor at Welder, Proud Sa Anak Nila Nang Maka-10th Place Sa Nursing Board Exam