in ,

LoveLove CuteCute

Empanada Vendor at Welder, Proud Sa Anak Nila Nang Maka-10th Place Sa Nursing Board Exam

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi sukatan ang estado ng isang tao sa buhay upang makamit ang tagumpay na inaasam ng marami. Tulad na lamang ni Shannara Mica Guta Tamayao na hindi lamang ganda ang biyayang natamo kundi pati na rin ang angkin nitong talino na siyang nagdala sa kanya sa 10th place ng Nursing Board Exam.

Source: Google

Tila nanalo sa lotto nang malaman ng mga magulang ni Shannara na nakapasa at 10th place pa sa Nursing Licensure Examination (NLE) ang kanilang anak. Ang ina ni Shannara ay isa lamang empanada vendor na walang tiyak na kita sa isang buwan at ang kanyang ama ay isang welder. Wala na mas ikakasiya ang mga magulang ni Shannara nang malaman na sinasabayan ng kanilang anak ang pagpupursige nilang mag-asawa na mapag-aral siya at ang kanyang mga kapatid.

Source: Google

Sa katunayan, mayroon palang honor si Shannara simula elementary at highschool. Tila isang model student si Shannara at inspirasyon, hindi lamang para sa mga nakababatang kapatid nito kundi pati na rin sa iba pang kabataan.

Source : Google

Nakapagtapos ng B.S. Nursing sa Mariano State University sa Batac, Ilocos Norte si Shannara sa tulong ng masisipag niyang magulang. Nakakuha ng 84.60% na grado sa NLE si Shannara na naglagay sa kanya sa 10th place sa mga nakapasa.

Panganay si Shannara sa mga magkakapatid, kaya naman ay ganun na lamang ang pagpupursige nito na makatapos at pagbutihin ang pag-aaral para sa magandang kinabukasan. Ayon dito ay pinaplano rin niyang pumasa sa National Council Licensure Examination o NCLEX at kumuha ng Master’s Degree.

Source : GMA News

Nagviral ang kwento ni Shannara na siyang patunay na hindi hadlang ang kahirapan sa pagabot ng mga pangarap, basta’t sasamahan lamang ng pagsisikap. Naipalabas ang kanyang kwento sa GMA News na siya namang inulan rin ng maraming papuri sa mga netizens.

Source : Google

Malayo pa ang mararating ni Shannara at sa supporta ng kanyang pamilya ay tiyak na magtatagumpay ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Gwapong Amerikano na humingi ng tulong kay Tulfo, Mr. Right nga ba ng isa sa mga staff ng programa?

Nakakahangang Anak Ng Tanod at Kasambahay, Nakapagtapos Bilang Cum Laude